A/N: Denver on the media above
▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎
"What took you so long? Kanina mo pa ako pinapunta rito, ah? I thought tomorrow pa ang regular class mo?" Denver asked me that train of questions
“She’s so nakakainis! Hindi niya ako pinayagang umuwi kahit na ang dugyot na ng hitsura ko at nangangamoy kape na rin.” reklamo ko kay Denver as soon as I got in the car
"Who's she?" she asked as she shifted the gear of the car to a number 1
"One of my professors." maikli at walang ganang sagot ko sa tanong nito
I don't think it's necessary to talk about that girl dahil lalo lang kumukulo ang dugo ko. I need to chill and in order to do that, any thoughts of her should be wiped out of my mind.
Ilang oras din ang hinintay ng isang ito dahil nang papuntahin ko siya kanina ay pinigil naman akong umuwi ng bruhang iyon. Ilang oras din akong nagtimpi at nagtiis sa presensya niya.
At sa wakas nga ay natapos din ang halos habang buhay na oras namin sa klase niya. Para akong hindi makahinga just thinking that we’re breathing the same air. The thought alone was enough to suffocate me.
“We’ll just stop by the mall and I’ll get you something to change into before we go condo hunting.” Kalmadong sabi nito. I nodded and just tried to calm myself.
I know I said I need to chill but I can't help it. Nakakabwisit lang talaga. And to add na first day pa lang ay nasira na agad ang pinakainaalagaan kong first impression, argh!
Paano ba naman, pagkatapos niya akong paupuin ay pinatayo nanaman ako nito hanggang matapos ang klase. Sinong hindi maiinis doon? Nakakangawit kaya!
That was the very first time I've ever experienced such thing and it's unacceptable that it happened during a first day of class at my new and, may I add, dream school!
Nakipag-usap lang naman ako doon sa lalaking Derick pala ang pangalan and it’s not even a nonsense chitchat. I was just asking the guy for a school tour to familiarize myself. I can't keep on self navigating this whole wide place.
Para siyang may dalaw, inaano ba siya ng hormones niya? Pati tuloy ang kagandahan ko, nadadamay. Nakakastress! Hindi dapat ako bumubusangot dahil nakakatanda iyon, pero dahil ganon ang porma ng mukha niya ay nahahawa ako.
Siguro matanda na si Ma’am, nasa menopausal stage ganoon ba.
“I’ll have a hoodie, please.” Bilin ko kay Denver nang nakaparada kami.
Hindi na ako bababa dahil ayoko naming pagtinginan ng mga tao. Hoodie nalang rin ang pinakuha ko dahil medyo nilalamig pa rin ako.
Mabuti nalang din at hindi natuloy ang detention dahil tulad ng pinangako ng headmaster ay pinangalagaan niya ito. Buti nalang nakinig naman si Ma’am.
“Anything you want to eat or drinks?” tanong nito
“I need a hot drink, that’ll be fine.” Tumango siya bago tumulak na sa loob ng mall
Inilabas ko nalang din muna ang phone ko upang abalahin ang sarili habang naghihintay kay Denver na bumalik.
I opened my twitter account and the first thing I saw was a news article about our company’s acquisition of Vista Grande, a company who recently declared bankruptcy.
Hindi naman ako interesado sa mga nangyayari sa kompanya kaya hindi ko na rin iyon binasa. I’m sure it’s gonna be the talk on the table later at dinner. Makikinig nalang ako dahil kapag si Ate Ragel ang nagsasalita ay nagiging interesante ang family business namin.
BINABASA MO ANG
Sweetest Rebellion
RomanceABYSS GIRLS NO.1 (G!P) "𝙄𝙩'𝙨 𝙛𝙪𝙣𝙣𝙮 𝙝𝙤𝙬 𝙥𝙚𝙤𝙥𝙡𝙚 𝙨𝙖𝙮 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙘𝙝𝙖𝙣𝙜𝙚 𝙩𝙖𝙠𝙚𝙨 𝙩𝙞𝙢𝙚. 𝙄𝙩'𝙨 𝙚𝙫𝙚𝙣 𝙛𝙪𝙣𝙣𝙞𝙚𝙧 𝙩𝙤 𝙘𝙤𝙣𝙨𝙞𝙙𝙚𝙧 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙄 𝙬𝙖𝙨 𝙤𝙣𝙘𝙚 𝙖 𝙛𝙞𝙧𝙢 𝙗𝙚𝙡𝙞𝙚𝙫𝙚𝙧 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙣𝙩𝙧�...