Chapter 6

13.8K 516 171
                                    

As expected, all they talked about is business and nothing else. Kung meron mang maihahalong ibang usapin ay hapyaw lang iyon at ibabalik din kaagad sa negosyo.

Ako lang yata ang hindi makasabay sa usapan nila dahil bukod sa nag-aaral pa ay wala talaga sa linya ng interes ko ang negosyo.

Maging si Ate Ruciane nga na troublemaker ng pamilya ay interesado at marami ding alam sa negosyo kaya ang labas ay wala akong ibang makausap.

Tahimik lang ako sa tabi ni Mommy Yvon na kumakain habang simpleng nakikinig sakanila. I busied myself with foods because why not? Though kahit wala akong interes sa negosyo ay may alam rin naman ako.

I feel like it's inevitable to be knowledgeable in business if you're a part of the Adler-Revamonte clan because you're expected to take over one of the family businesses in the near future, whether you like it or not.

Hindi na nga halos namin kailangan pag-aralan kung paano magpatakbo at mamahala ng business dahil exposed na kami dito mula pagkabata kaya naman halos natural na talento o kakayanan na namin iyon.

"Reagan, hija, what about you?" gulat naman akong tumingin kay Lola na nakatingin saakin

Masyado yatang napalalim ang pag-iisip ko na hindi ko na nasundan ang usapan nila. Iginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng lamesa at napansin na lahat ng mata ay nasa akin.

Pasensya na, lutang lang. Maganda pa rin naman.

"What was it, Lola?" tanong ko. Eh sa hindi ko narinig, alangan namang magmagaling akong sumagot aimlessly.

Bahagyang natawa si Lola saakin. "I'm asking about your plans after finishing up your degrees. Hindi ba ay sabay kayo ng Ate Ruciane mong magtatapos ngayong year?" I nodded in response

Sa totoo lang ay wala pa akong naiisip na planong gawin pagkatapos mag-aral bukod sa pagsama kay Ate Ragel sa Paris. Hindi ko din naman kasi talaga pinag-iisipan.

Ayokong pangunahan ang mga bagay bagay. Hindi ko naman kontrolado ang mga bagay sa paligid ko. Maaaring may gusto akong mangyari pero sa huli ay hindi matutupad, kaya iniiwasan ko ang pag-iisip ahead of time. I want to live in the moment, at kung ano mang mangyayari ay mangyari.

"Hay nako, wala po iyang maisagot kasi nahihiya sainyo. For all I know, gusto na niyan mag-pamilya, Lola." Si Ate Raven ang sumagot para saakin

Mas ikinagulat ko naman ang sagot niyang iyon. Hindi ko naman ipagkakaila na nabanggit ko nga ang tungkol sa kagustuhan kong bumuo ng sariling pamilya pero hindi naman ibig sabihin na right after graduation!

"No, Lola. Don't listen to her." I denied as I shoot a glare at my sister while she just shrugged

"I don't see anything wrong with that, Reagan. You're of right age na rin naman so I wouldn't be surprised kung sa susunod na visit namin ng Lolo mo ay engagement mo na o kung papalarin ay para sa baby shower mo na."

Halos masamid naman ako sa iniinom na tubig habang pinapakinggan ang sinasabi ni Lola. Ang advance naman masyado mag-isip ng grandparents ko! They really left out the wedding part, anak talaga agad?

Bakit ng aba ulit napunta saakin ang usapan? Masmaayos pang negosyo nalang ang pagtuonan nila ng pansin kesa akong nananahimik lang sa tabi ang napagdidiskitahan ng malilikot nilang mga bibig.

"I'm still young, Lola. In fact, I'm the youngest here. If there's anyone you should be asking about that, sina Ate Rue, Ate Raven, Ate Rocky, at Ate Ragel dapat." Natawa naman ako nang samaan ako ng tingin ng apat na binanggit ko talaga ang pangalan

"Ilang taon ka na nga ulit, Reagan?" tanong ni Lolo saakin

"22 years old, Pa, Turning 23 na this September." Si Mommy Yvon ang sumagot na sinundan naman kaagad ni Mommy Val

Sweetest RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon