Chapter 32

19K 711 1.4K
                                    

"Ate Ragel, can you accompany Ate Ruciane mamaya? Susunduin na raw sila Night and Ate Vlad."

Linggo ngayong araw at dapat ay magsisimba kami kaso lang hindi natuloy dahil may biglaang mga lakad ang mga kapatid ko. Si Ate Rue ay isinama si Ate Rocky sa kung saan habang si Ate Raven ay may biglaang flight naman para sa Revmont.

"Bakit ako? Ikaw na!" tugon niya habang abala sa laptop niya

Tamad na humilata ako sa couch habang nanunuod ng murder documentary na sinimulan namin ni Ate Rocky. Boring kapag hindi ko sila kasama ni Ate Rue na manuod ng ganito, hindi gumagana ang utak ko.

"Ikaw na! Magkasundo naman kayo ni Night!" pilit ko sa kapatid

Pareho kasi sila ng ugali ni Ate Ragel at kapareho ring gumastos. Sakanilang dalawa ni Ate Vlad ay si Ate Night ang maarte, magastos, at sosyalin. Ate Vlad, on the other hand, is like Ate Rue. Seryoso sa buhay at hangga't maaari ay lowkey lang.

"Kaya mo na iyan, Reagan. Susundo lang naman. Matulog ka nalang sa biyahe."

"Wala akong narinig, bahala ka diyan." isinubsob ko ang mukha sa throw pillow

"Kumilos ka namang babae ka! Ano, hihilata ka nalang maghapon? Ano, feeling mayaman?" dinig kong sabi ng kapatid ko

"Ako, feeling mayaman?"

Agad akong bumangon mula sa pagkakahilata at mabilis na umakyat papunta saaking kuwarto saka hinanap ang hand bag na huli kong ginamit sa paglabas. Nang makuha ang hinahanap ay agad din akong bumaba at hinarap ang kapatid ko.

"Sinong feeling mayaman?" sabay inilapag ko sa coffee table ang anim na cards kasama ang J.P. Morgan, Dubai First Royale, at Amex Black Card

"Brat!" tanging nasabi niya

Inirapan ko nalang iyon bago nagtungo sa kusina upang maghanap ng makakain. Hindi pa kasi ako nag breakfast dahil kagigising ko lang din naman kani-kanina lang.

"Hera, can you cook me a pesto pasta, please?" tawag ko sa kasambahay

"Reagan! Iligpit mo ang cards mo dito!" dinig ko namang sigaw ni Ate Ragel mula sa living room

"Hera!" muling tawag ko at inignora nalang ang kapatid

"Sorry, Miss Reagan. Pinagbuksan ko lang po ng pinto si Miss Isla." aniya nang makapasok sa kusina

Hindi pa rin kami nag-uusap noon simula nang makabalik kami mula sa mission. Hindi pa rin naman kasi siya nagpupunta rito, ngayon palang but she did try messaging me to inform about some things.

"Good Morning po ulit, Miss Isla." bati ni Hera habang nakatingin sa likuran ko

"Hera, my pesto pasta!" pag-uulit ko kahit na inaayos na naman nito ang mga gagamitin

Kasalukuyan akong nakaupo by the kitchen island at ramdam ko ang presensya niya sa likuran ko. Dahan-dahan nitong inikot ang stool upang iharap ako sakanya bago itinuko ang mga kamay sa magkabilang  side ko at bahagyang yumuko upang mag-lebel ang mga mata namin.

"Good Morning, Reagan." she whispered in a monotone

"What's good in the morning?" sagot ko bago muling inikot ang upuan para talikuran siya

Umayos siya sa pagkakatayo pagkatapos ay bumuntong hininga. Lumapit naman ito sa fridge na may dalang baso bago nagsalin doon at naglakad pabalik saakin.

"Drink this. Ang init nanaman ng ulo mo." aniya bago lapitan si Hera

"Ako na dito Hera." aalma pa sana ang isa ngunit mariin niya itong tinignan

Sweetest RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon