Chapter 12

14.4K 530 278
                                        

I am currently on my way to Miss West’s class. Hindi ko nakasabay si Derick ngayon dahil may meeting daw sila sa TVP kaya ako lang mag-isa. Okay lang din naman kasi komportable naman ako sa klase ni Miss West.

"Hi, Reagan."

"Uy si Revamonte!"

"Mag-isa ka ngayon, Reagan, ah."

"Reagan, libre ka raw ng classmate ko ng hot choco!"

Those are from the students na nadadaanan ko sa corridor. I wanted to interact with them, too, but hindi ko magawa dahil bukod sa nahihiya ay baka mahuli na rin ako sa klase si Miss West.

"Good Afternoon, Miss West." bati ko sa guro nang makitang naroon na pala siya bago pa man ako makapasok

"Afternoon, Thalia." she smiled at me before returning her attention to her laptop

Mabuti pa si Ma'am at palaging maganda ang mood, parang walang problema sa buhay. Samantalang iyong kaibigan niya, pasan yata lahat ng hinanakit sa mundo.

Umupo ako sa pinakalikod na row, specifically on the seat near the window. Ang ganda kasi ng placement nito, tanaw na tanaw ang greeneries sa labas kaya nakakarelax. Sa malayong kanan naman ay kita ang maliit na bahagi ng North Hall.

"Let me just check the attendance first before anything else." Miss West started her usual routine of roll calls before the actual discussion.

I haven't had my daily dose of hot choco kaya medyo kulang pa ang araw ko. Though, I'm still fine without it because Miss West's class is manageable and less stressful.

“Revamonte, Thalia Reagan.” she called my name

"Here, Miss West." I raised my hand to let her know that I’m present, kahit na kanina ay binati ko na rin namn ito.

"Tanchengco, Abel Jude." tawag nito ngunit wala sumagot na present, sa halip ay kaibigan nito ang nagsalita para sakanya

"Miss West, he's currently at a meeting with the rest of the TVP right now."

"Okay."

Oh, so hindi lang pala si Derick ang member ng The Vallejo Project dito, at pati rin pala iyon Tanchengco.

"Zambrano, Lenard Derick." Kaya nang tawagin nito ang pangalan ng kaibigan ko ay ganoon na rin ang ginawa ko.

"Also at the TVP meeting, Miss West."

Considered excuse na siguro iyon tutal naman ay isa si Miss West sa mga adviser ng TVP. Hindi ko nga alam kung bakit nandito pa siya gayong may meeting pala ang organization nila.

Pagkatapos niyang mag-check ng attendance ay mabilisang nagdiscuss si Ma’am bago nagbigay ng short quiz. Hindi naman kami nagreklamo dahil madali lang naman siya magpaquiz at very considerate.

Hindi kaya noong isang kilala ko, akala mo talaga board exam na ang multiple choices at identification. Habang ang essay naman ay tila pang-bar exam na ang datingan.

May natitirang time pa kami sa subject ni Ma’am bago ang dismissal kaya katulad ng dati ay may time kami para makipag-chikahan sakanya. Hindi siya mahigpit at kung maaari ay gusto niya kaming kaibiganin dahil halos kaedaran lang din namin siya.

"Miss Revamonte? Bakit hindi ka sumali sa TVP?" tanong nito saakin

"I don't think kaya pa ng schedule ko, Miss. Ang dami ko na kasing obligation that needs to be prioritized." I answered unmasked

"Kung sabagay." she shrugged "But TVP would be a lot better with you there. I know how you work when it comes to activities related to charity and volunteering." dagdag niya na parang kaming dalawa lang ang nasa room ngayon

Sweetest RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon