Chapter 13

14.6K 548 393
                                        

"As I was saying, this task is due next monday. I want it handwritten on an A4 paper with the appropriate cover page I've already provided you. Any questions?"

Professor Thomas just gave us our 7th task and as usual, it has to be handwritten. Hindi pa siya kailanman nagbigay ng task na pinayagan kaming ipasa ng printed. Napakaistrikto pa naman sa penmanship, mabuti nalang at nabiyayaan ako.

"Are we allowed to use guide lines for our write ups, Ma'am?" one of my classmates asked

"Sure, you can use guide lines. Just make sure to observe neatness and proper spacing. Also, I believe I have to remind your class again to write legibly. Your handwritings are hardly decipherable."

She really goes big on handwriting. Hindi naman kasi makakapagreklamo dahil maganda ang sulat ni Ma'am Thomas. Kahit nga walang guide lines ang white board ay tuwid na tuwid ang sulat nito at maayos ang spacing.

"The only digital part of your paper should be the school logo and my full name."

I have written every notes that she told us to put on our written task. After giving away all the necessary information and instructions, she gave us another written work to be accomplished within this subject's time frame.

"Good Morning, Professor Thomas. May we excuse Miss Thalia Revamonte?"

Agaran ang naging pag-angat ng tingin ko mula sa lesson na binabasa tungo sa babaeng bumanggit sa pangalan ko na ngayon ay nasa pintuan ng classroom namin. It was Miss Amethyst, iyong nasa facilitator ng TVP.

Sabay naman ng pagtingin ko kay Ma'am ang paglingon nito saakin, with her brow raised as usual. I just shrugged dahil maging ako ay hindi rin alam kung para saan o bakit ako ini-excuse ni Miss Amethyst.

"What for?" she asked in her cold voice

Bagay silang mag-usap ni Miss Amethyst, pareho silang seryoso lagi at cold ang aura. Even the way they speak is identical, mas void nga lang ng expression ang mukha ni Miss Amethyst samantalang ang kay Ma'am Thomas ay laging galit o naiinis.

"The headmaster is asking for her and I was sent here for that, Ma'am." Pormal na sagot nito

Mabilis naman akong tumayo kahit na hindi pa pumapayag si Ma'am. Upon hearing the mention of the headmaster, I can't help but to feel excited. I like his office kasi at katulad ni Ma'am ay gusto ko ring pinag-iisip at kinukulit iyong matanda.

"Bakit naka-bag ka na? Did I say yes already, Miss Revamonte?" saakin tuloy bumaling ang kasungitan niya

"Not yet, Ma'am, pero papayag ka rin naman po because it's the headmaster." I smiled sheepishly at her before I turned to Miss Amethyst that gave me a small smile

Buti pa iyon, hindi mahirap pangitiin kahit na sobrang seryoso din sa buhay. Hindi tuloy nakatakas saakin ang ganda ni Miss Amy. Tutal may girlfriend na rin naman si Ma'am Thomas, uncrush ko na siya. Worthy din naman si Miss Amy ng atensiyon ko.

Hindi naman umimik si Ma'am kahit nang maglakad na ako palapit kay Miss Amy kaya I took that as a sign na payag siya. Kahit naman hindi siya pumayag, sasama pa rin ako.

Para tuloy akong nakawala mula sa pagkakakulong nang maglakad kami sa hallway ni Miss Amy. I was skipping tiles na parang bata habang ramdam ko naman ang pagsunod ng tingin ni Miss Amy saakin.

Huminto ako sa paglalakad nang mapansing nakalayo na pala ako sakanya kaya hinintay ko ito.

"Miss Amy, smile ka nga po ulit." Ngiti ko dito. Bahagya naman siyang natigilan sa request ko pero mabilis ding nakabawi

"Paanong smile, like this?" she gave me a sweet smile, making me nod in approval

"You're so cute, Miss. Crush na yata kita." Walang hiya hiyang sabi ko dito pero sa pabirong paraan lamang.

Sweetest RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon