Isla's POV
...
The sight of their house, not far from where we are now, made my heart pound hard, as if it was about to burst. Habang papalapit ay lalong hindi ko maipaliwanag and aking nararamdaman.
Tila pinipiga ang aking puso habang pinagmamasdan ang dating buhay na buhay na mansion ng mga Revamonte na ngayo'y wala nang buhay sa paningin ko. It's as if I'm watching it in a dream, a reminiscence from the past.
"Are you ready?" River asked me for the nth time
Kung kanina'y matatapang na pag-sang ayon ang naitutugon ko sakanya'y tila umurong naman ang dila ko ngayon dahil hindi makasagot sa simpleng tanong na iyon.
Inside the grand mansion is where the rest of Adler-Revamontes are waiting for me, they didn't fail inform me that. Hindi ko mapigilang masambit sa isipan ang kaparehong katanungan. Pagkatapos ng mga nangyari, handa na ba ako?
I am certain as hell she will be present as well. And though I missed her so damn much, handa ba akong makita siya? Kaya ko bang humarap sakanya kahit hindi na tulad ng dati?
What about the letter, the photo? Paano ko iyon itatanong sakanya?
"Please be ready, Isla..."
Ruciane said those words to me as if she had something she wanted to tell me but couldn't. Kilala ko ang magkakapatid na ito kaya't hindi mahirap saaking basahin sila. Doon ay kinabahan ako.
Naunang lumabas ng sasakyan sina Ruciane at Raquel. River gave my hand a quick, gentle squeeze before getting off the car, following her sisters. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang sumunod sakanila.
"After you-"
"Isla!"
Ruciane was cut off by a voice so familiar to me. Pagkabaling ko rito ay halos manlabo ang mga mata ko dahil sa kusang pamumuo ng mga luha mula rito. Ang makita sa kauna-unahang pagkakataong ganito na ako ay nagdala ng parehong saya at lungkot saakin.
"Ragel." I opened my arms wide as she ran towards me, attacking me with a tight hug
"Careful, Rage." I whispered, hearing her chuckle and sniff at the same time
Sa likuran niya'y nakasunod naman sina Rue at Raven na parehong pinagmamasdan kami't may tipid na ngiti sa mga labi. Hindi kalayuan sakanila ang kinatatayuan naman nina Tita Val at...
"Pris..." pabulong na nasambit ko
Pinanuod ko ang unti-unting paglapit nito saakin. Hindi ko mabigyan ng pangalan ang nararamdaman nang makita ko ang kapatid na narito. Hindi ko ito inaasahan.
"June!"
Ang kaninang matapang na disposisyon ng kapatid ko'y naglahong parang bula nang isubsob nito ang sarili sa yakap ko. Ramdam ko ang pamamasa ng aking balikat kasabay ng mahihinang paghikbi ni Pris.
"I'm so sorry, June." I heard her say, slightly pinching my heart
I understand why she's trying to make amends, and I'm not going to lie and say it didn't bother me at the time. Pero ngayon ay wala akong gustong gawin kundi pakinggan ang paliwanag niya't tuluyang kalimutan na ang pagkukulang niya.
"Bakit wala ka? Kayo ni Dad..." punong puno ng pagtatampo ang boses ko at hindi ko tinangkang itago iyon
"I couldn't leave Dad's side. When he found out what happened, he was not able to handle it. Natagpuan nalang namin siya sa opisina niya't nakahandusay."
Nang marinig iyon mula sa kapatid ay kusang kumalas ako sa pagkakayakap niya at diretsong hinarap siya. Tahip-tahip ang kabang naramdaman ko sa nalamang iyon na maging ang kamay kong nakahawak sa magkabilang balikat niya'y nagsimula nang manginig.

BINABASA MO ANG
Sweetest Rebellion
RomanceABYSS GIRLS NO.1 (G!P) "𝙄𝙩'𝙨 𝙛𝙪𝙣𝙣𝙮 𝙝𝙤𝙬 𝙥𝙚𝙤𝙥𝙡𝙚 𝙨𝙖𝙮 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙘𝙝𝙖𝙣𝙜𝙚 𝙩𝙖𝙠𝙚𝙨 𝙩𝙞𝙢𝙚. 𝙄𝙩'𝙨 𝙚𝙫𝙚𝙣 𝙛𝙪𝙣𝙣𝙞𝙚𝙧 𝙩𝙤 𝙘𝙤𝙣𝙨𝙞𝙙𝙚𝙧 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙄 𝙬𝙖𝙨 𝙤𝙣𝙘𝙚 𝙖 𝙛𝙞𝙧𝙢 𝙗𝙚𝙡𝙞𝙚𝙫𝙚𝙧 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙣𝙩𝙧�...