Chapter 15

14.9K 555 300
                                        

"I'm so thirsty, I forgot my tumbler at home." reklamo ko sa kasama

Nakakapagod naman kasi talaga. Paano ba naman, wala raw si Miss Noelle kaya si Ma'am Thomas ang pansamantalang pumalit bilang adviser namin dito sa practice for pageant.

Maging si Pierre ay hindi makaporma ng maayos dahil laging sinusupalpal ni Ma'am Thomas ang mga ideya nito.

Tuloy tuloy din ang naging practice namin mula pa kaming alas tres ng hapon. Anong oras na ngayon, tingin ko ay halos 7 o'clock na at ito pa lang ang unang break namin. Mukhang wala pa ring balak magdismiss si Ma'am.

"I'll buy you water, Thalia. Wait for me here." Presenta ni Derick kahit na maging siya ay pagod din

"I don't want distilled or purified, ha? I don't drink such waters. Drinking distilled water causes dehydration and health concerns due to lack of essential nutrients the human body requires." Bilin ko. Kumunot ang noo nito sa sinabi ko pero tumango pa rin naman bago umalis.

Habang hinihintay siyang bumalik ay humiga muna ako sa sahig ng stage. Wala na akong pakealam, I just really wanna lay down because I'm hella tired. Isa pa ay wala namang ibang tao dito, kami lang ni Ma'am.

Imbes na inisin nanaman si Ma'am ay napili kong magpahinga dahil maskailangan ko iyon. I took my phone out from my pocket before I decided to open my Instagram app.

Hay, sila ate nanaman!

Nagsawa nalang ako kaka-scroll ay si Ate Ragel at Ate Raven pa rin ang nakikita ko kaya isinara ko nalang iyon. Wala na akong ibang magawa kaya naisip kong tawagan nalang si Denver.

As usual, after a few rings, ay sinagot niya kaagad ang tawag ko. Kaya maaasahan talaga ang isang ito. Kahit magkaiba ang timezones namin ay ready pa rin all the time.

"What's up?" halatang bagong gising lang ito

"What a sexy bedroom voice, my love." tukso ko

Ganito na talaga kami mag-usap ni Denver, minsan akala mo magkaaway, madalas parang magjowa lang. Ilang beses na rin kaming nagpanggap na magkasintahan lalo na kapag nasa trouble.

"Whatever, Reagan. Why'd you call?" I can almost see her rolling her eyes.

"Wala, I just miss you. Don't you miss me?" I even pouted kahit hindi naman ako nito nakikita.

"You look like a pug, Revamonte." Sabi ng kung sinong multo na nakikisabat sa usapan.

Saglit ko siyang tiningnan para lang irapan pero pagkatapos noon ay tumalikod lang ako at patuloy na nakipag-usap kay Denver. Hindi naman kinakausap, papansin.

"I gotta go, Reagan. I still have to prepare for my morning class." Paalam nito saakin

"Sure, babe. Love you, see you soon!" sabi ko bago pinatay ang tawag

Kasabay naman ng pagpatay ko ng tawag ang pagkamatay ng lahat ng ilaw sa loob ng theater. What the hell?

Mabilis akong naupo mula sa pagkakahiga pero pagkatapos noon ay hindi na ako nakagalaw pa. Wala akong makita. Everything and everywhere I look is pitch black. Nagsisimula na akong kabahan dahil takot talaga ako sa dilim.

The place is too wide that my phone's torch became useless. Ilang hakbang mula saakin lang ang kaya nitong ilawan.

"Ma'am?" tawag ko dahil kaming dalawa lang ang magkasama dito

Walang sumagot kaya inulit ko ang pagtawag sakanya. "Professor Thomas?"

My lips and voice are starting to tremble. Ramdam ko rin ang unti-unting pamamasa na ng mga mata ko, hudyat na konti nalang ay maiiyak na ako sa labis na kaba at takot.

Sweetest RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon