Today is our scheduled flight to Tacloban for the TVP's mission, and we are currently getting ready to head to the airport.
Kasama si Ate Ruciane bilang representative ng Revmont at Adler Hotels. Sina Derick, Miss Amy, Ma'am Thomas, and Miss Noelle naman ang kasama ko sa TVP at ang iba pang members na hindi ko kilala.
"Mauuna na raw si Isla sa airport, Mom." Ate Ruciane informed Mommy Val, siya kasi ang maghahatid saamin sa airport.
"Okay. Eh, kayo? Ready na ba?" Kanina pa ako nakaupo lang sa living room habang si Ate Ruciane ay lumabas saglit, ewan kung saan nagpunta at kababalik lang ngayon.
"Tara na, Mom. Nandoon na raw silang lahat, kami nalang ni Reagan ang wala."
"Paano, kung saan saan ka pumupunta!" inis na sabi ko sa Ate
"Pinuntahan ko lang naman si Ali! Akala ko sasama." depensa niyang inirapan ko nalang
Nauna na si Ma'am Thomas bilang isa siya sa mga advisers ng TVP. She needs to be there to facilitate the members and volunteers, and make sure na kompleto ang mga kailangan.
"Mommy Yvon, we'll go ahead na." I kissed her cheek as she was busy cooking with Hera. Ganoon din ang ginawa ni Ate Ruciane.
"Reagan, bantayan mo iyang Ate mo." bilin ni Mommy
"Mom! Ako nga dapat ang magbantay diyan!" reklamo naman ni Ate
"I don't trust you, Francoise." Ouch! Natawa naman ako doon kaya mabilis na inapakan ni Ate ang paa kong nagpaigtad saakin.
"Francoise Ruciane!" ani Mommy Yvon
"Tara na nga!" Hinigit na ako ng kapatid ko palayo roon hanggang sa marating namin ang sasakyan. Mommy Val is already at the driver's seat, waiting for us.
"Reagan, select a song." Mommy Val said as soon as we drove off
"Ew! Ang panget ng tugtugan niyan, jejemon!" reklamo ni Ate Ruciane sa backseat pagkatapos hablutin ang phone ni Mommy Val saakin
Hindi na ako nagprotesta pa at naupo nalang ng maayos habang hinahayaan ang kapatid na mamili ng kanta. Pagkatapos ng ilang minutong pamimili nito ay nagsimula nang tumunog ang stereo.
"Yeah... Yeah yeah yeah OC DAWGS Ex B!" pagsabay niya sa kanta
"What the hell is this song?!" ngunit hindi niya iyon pinansin at sa halip ay nagpatuloy sa pagkanta
Kalimutan mo na yan sige sige maglibang
Wag kang magpakahibang
Dapat ay itawa lang
Ang problema sa babae dapat 'di iniinda
Hayaan mo sila ang maghabol sa'yo di' ba
Sabi ko naman sa'yo lahat yan nagloloko
Pagkatapos kang pakinabangan biglang lalayo
Kaya wag nang uulit pa
Kaya wag nang uulit pa
"Ako pa ngayon ang jejemon?!" Hindi makapaniwalang bulyaw ko nang pati si Mommy Val ay nagsisimula na ring makivibe kay Ate.
"I like this song." Mommy Val said as she, as well, nodded her head along with the beat.
Bigla naman akong iniharap ni Ate Ruciane sakanya kaya lalong kumunot ang noo ko.
"Alam kong alam mong libre maging tanga pero ang masama do'n balak mong araw-arawin pa." dinuro pa ako nito na siyang nagpahaglpak din kay Mommy

BINABASA MO ANG
Sweetest Rebellion
RomanceABYSS GIRLS NO.1 (G!P) "𝙄𝙩'𝙨 𝙛𝙪𝙣𝙣𝙮 𝙝𝙤𝙬 𝙥𝙚𝙤𝙥𝙡𝙚 𝙨𝙖𝙮 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙘𝙝𝙖𝙣𝙜𝙚 𝙩𝙖𝙠𝙚𝙨 𝙩𝙞𝙢𝙚. 𝙄𝙩'𝙨 𝙚𝙫𝙚𝙣 𝙛𝙪𝙣𝙣𝙞𝙚𝙧 𝙩𝙤 𝙘𝙤𝙣𝙨𝙞𝙙𝙚𝙧 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙄 𝙬𝙖𝙨 𝙤𝙣𝙘𝙚 𝙖 𝙛𝙞𝙧𝙢 𝙗𝙚𝙡𝙞𝙚𝙫𝙚𝙧 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙣𝙩𝙧�...