CHAPTER 2: Your Savior

437 42 0
                                    

“Long time no see, Lamia.”

I chuckled. “Kumusta ka na ba? Tagal natin hindi nag kita, ah? Wala rin tayong communication kaya wala akong balita sa iyo.” Sabi ko sa kaniya.

Mag sasalita na sana siya pero nag salita bigla si, Ma’am Lanikan.

“Quiet, class.” Suway sa amin ni Ma'am dahil sa sobrang ingay na rin. At dahil doon ay ibinalik ko ang aking tingin sa harapan at tinalikuran muna si, Dhamon.

“Since Mr. Morrigan has introduced himself, we were about to start our class. And— we will have a new lesson pero bago iyon ay babalikan ko muna ’yung nakaraan nating lesson because you have a new classmate. Ayaw kong may mahuli sa lesson ko.” She explained.

Palihim ko namang hinarap si Dhamon na ngayo'y nasa aking likuran at nakatingin lang sa harapan. Pero nang lumingon ako sa kaniya ay napatingin din ito sa akin. “We’ll talk later.” wika ko. Tumango naman siya at ngumiti sa akin.

Bigla namang kinurot ni Ehnna ang tagiliran ko kaya napatingin ako sa kaniya ng masama. “Uy, nakita ko ’yon. Close talaga kayo ’no. What if kayo talaga para sa isa’t isa?” Tukso niya sa akin, ngumiti pa ito ng nakakaloko.

“Stop it, Ehnna. Baka mamaya narinig tayo ni, Dhamon.” Bulong ko rito. Pero tumawa lang siya at ibinalik ang tingin kay Ma'am Lanikan na ngayo’y nag sasalita sa harapan.

I sighed at nakinig na lang din kay Ma'am Lanikan. Baka mamaya biglang mag quiz. Tapos kapag hindi ako nakinig, siguradong botlog score ko.


“Ang guwapo naman ni Dhamon, beh! Sigurado ka bang hindi ka talaga nahulog jan? Sus kung ako ikaw, siyempre mahuhulog ako. Sa guwapong ’yan? Hindi ako mahuhulog?” Umiiling-iling na sabi ni Ehnna habang kami ay kumakain rito sa cafeteria.

Nasira naman ang pagmumukha ko at ang reaksiyon ko dahil sa sinabi niya. “Hindi naman ako nahulog sa kaniya. I’m not going to fall in love with him because he's only my friend. Just a friend, Ehnna.” I explained at kinain ang sandwich sa aking harapan.

Well, lunch na ngayon. Pero mas inuna kong kinain ang sandwich kesa sa kanin at ulam na nasa aking harapan.

“Kaibigan lang? Sure ka?” Tanong niya sa akin dahilan para mapatango ako at tumingin kay Dhamon na ngayo’y bumibili ng makakain.

“Kung ako sa ’yo, kainin mo muna iyang kanin mo bago ’yan.” Ehnna told me at itinuro nito ang kanin at ang ulam ko.

Ginawa ko naman ang sinabi niya.

Ehnna is worried kapag hindi ako kakain ng kanin tuwing lunch. Sinabihan din kasi ni Papa si Ehnna na bantayan ako at para rin makakain ako ng kanin para busog daw talaga.

We're eating quietly, but when Dhamon appeared, I startled. Akala ko kung sino ang nakatayo sa gilid ko.

Siya lang pala.

Siguro sa sobrang seryoso ko kaya nagulat ako at hindi ko siya na pansin.

“Can I eat beside you?” Aniya kaya napaangat ako ng tingin. I saw him holding a tray, mag sasalita na sana ako para pumayag but naunahan ako ni, Ehnna.

“Dito ka na lang, Dhamon.” Tumayo si Ehnna sa pagkaupo sa aking harapan at kinuha ang tray niya. Ubos na pala pagkain niya.

Ngumisi naman siya sa akin at tumingin ulit kay, Dhamon. “Tutal, aalis na rin ako. Babalik na rin kasi ako sa classroom, ma so-solo mo na si, Lamia.” Napatigil ako sa pag subo sa pagkain ko dahil doon sa sinabi niya.

Loko-loko ka talaga kahit kailan Ehnna.

“You sure?” Dhamon asked, Ehnna.

Mabilis naman na tumango si Ehnna at kaagad na umalis. Hindi pa siya nakakalayo ay nginitian ako nito ng nakakaloko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon