CHAPTER 16: First Activity

120 19 1
                                    

Nasa cafeteria kami ngayon at kumakain para sa pananghalian namin. Kaharap ko ngayon si Ehnna na ngayo'y kumakain din.

Right now, I'm eating fried chicken with rice at ganoon din naman kay, Ehnna. "Alam mo, ang mahal talaga ng manok nila rito. Sa susunod talaga mag babaon na ako e." Pag rereklamo niya naman habang may laman pa ang kaniyang bibig.

Itong babaeng 'to talaga.

Inubos ko muna itong pagkaing nasa loob ng aking bibig bago nag salita at sumagot sa sinabi niya, "Ano ba tingin mo sa mga manok ngayon?Mura? Tanga, wala ng mura ngayon. Sadyang kuripot ka lang talaga. Panay reklamo ka pa nga e pero kinakain mo pa rin naman. Nauubos mo pa nga e." Sagot ko naman sa kaniya.

She laughed, "May point ka naman. 'Tsaka-" Napatigil naman siya sa pagsalita dahil may tinititigan siya sa aking likuran na ikinaduda ko naman kaya napalingon ako sa aking likuran upang tignan kung ano iyon. Nakita kong papunta sa aming direksiyon ngayon sina Basilius na ngayo'y hawak-hawak ang kanilang mga tray. Nasa likuran niya sina, Vandran, Vortigern, at Whienne.

Tumabi naman si Basilius kay Ehnna, samantalang ako ay sinusundan ng aking tingin sina Vandran papunta sa isang table na kung saan malapit lang sa amin. Sobrang seryoso naman niya talaga. Habang sina, Vortigern, at Whienne nag tatawanan pa. Mabuti pa 'tong dalawa e.

Ibinaling ko naman ang aking tingin kay Ehnna na ngayo'y tuwang-tuwa na nakikipag usap kay, Basilius. Napansin ko namang nagtitilian ang mga ibang babae dahil kina, Vandran, at Basilius, ang iba naman ay nag bubulungan. Dahil ba mga guwapo sila? Saan ba banda? Sira ata mga mata nila e.

Ano ba meron sa kanila?

Sayang wala si, Dhamon.

Minsan na lang talaga siyang sumabay sa amin e. Hindi ko alam kung saan siya pumupunta.

Bigla ko tuloy naalala 'yung nakita ko sa kaniya, there is something wrong with him. May mali talaga e, pero baka kasi maling akala ko lang ito.

Mahina naman akong napailing at inubos ang aking pagkain. Bahala na, marami na nga akong iniisip tapos dadagdag pa siya. Baka nga namamalik mata lang ako nang makita iyon.

Tinapos ko na 'yung pagkain ko at nag paalam na lang ako kay Ehnna na aalis na muna ako at pupunta ng library para mag basa saglit. May time pa namang natitira sa amin bago mag simula 'yung klase namin. Wala namang problema kung iiwan ko si Ehnna doon kasama si, Basilius. Kasama niya naman si Basilius e, kaya na niya sarili niya. Landi niya e.

Nang umalis ako sa pagkakaupo ay napansin kong tinitignan ako ni Vandran habang siya ay kumakain, ngunit hindi ko na iyon pinansin at nag sinimulang maglakad palabas ng cafeteria.

While I'm casually walking down the hallway, I put my two hands in my blazer's pocket.

And I'm thinking of something... Hindi talaga mawala sa isip ko si, Dhamon. What is his problem? What's wrong with him? I saw his eyes turned red and his fangs suddenly appeared. Is it possible he's a Vampire? That is very very impossible! That's a complicated situation. Hindi naman sila totoo e.

I also remembered Vandran's words. Pati siya, may mali rin sa lalaking 'to. There's something wrong with him too. I know there are so many things I need to know and I want to know everything. Pero hindi ko na talaga alam kung saang banda pa ba ako maniniwala.

Maaaring may alam naman si Papa tungkol dito lalo na't mag kaibigan sila ni Vandran, kaibigan niya rin 'yung Papa ni Vandran. Hindi ko pa naman nakikita 'yung Papa niya pero alam kong may kakaiba rin sa kanila e.

Huminga naman ako nang malalim... Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon lahat sa aking isipan at binilisang mag lakad upang makarating ka agad sa library. Nang makarating naman ako roon ay humingi naman ako ng pahintulot sa librarian na magbabasa ako ng libro saglit at dito ko lang babasahin at ibabalik ito ka agad kapag tumunog na ang bell.

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon