CHAPTER 45: N-No...

80 8 0
                                    

Narito ako sa bahay namin ni Papa. Napag isipan ko munang umuwi para masamahan siya rito sa bahay.

Malapit na rin gumabi kaya kumain na kami ni Papa dahil aalis pa ako mamaya dahil sasamahan ko sina Vandran doon sa campus.

Hanggang ngayon, nag tataka pa rin talaga ako kung ano ang meron doon. Nakakapagtaka rin dahil ayaw sumama nila Vortigern, he looks so scared, na para bang may something doon sa campus.

Kaharap ko ngayon si Papa at kami ay kumakain, parehas kaming walang imik kaya pinili kong basagin ang katahimikan, "Pa? sa tingin mo, ano kaya ang meron doon sa University? sa tingin mo ba may mali doon?" I asked him, he stopped chewing his food and he look at me.

"I don't have any idea, sweetie. Kung ano man ang meron doon, promise me, take care of yourself. Huwag kang lalayo kay Vandran, baka kung ano pa ang mangyari sa iyo."

I just nodded of what he said. Pagkatapos namin kumain ni Papa ay pumunta na kami sa lugar nila Vandran. Habang nag la-lakad kami ni Papa rito sa gubat ay bigla kaming napalingon sa aming likuran.

At nang makita naming walang tao sa aming likuran ay nagka titigan kami ni Papa, hinawakan niya ang aking kamay at sinimulan naming mag madaling mag lakad.

"Nararamdaman mo rin pala 'yon Papa?" hingal na hingal na tanong ko kay Papa habang nag mamadali kaming mag lakad.

He nodded, "Yeah, bilisan na natin mag lakad." ani ni Papa kaya binilisan namin mag lakad. Nararamdaman kasi namin na para bang may sumusunod sa aming likuran, pero hindi lang namin nakikita.

Hanggang sa narating na namin ang lugar nila Vandran. Sumunod lang ako kay Papa hanggang sa pumasok siya sa isang malaking bahay, hindi ko alam kung kanino ito dahil 'yung pinasukan ko na bahay kanina ay hindi ito.

"Pa? kaninong bahay 'to?" bulong ko kay Papa. "Cliova's house." pagkatapos sabihin sa akin ni Papa iyon ay pumasok na kami sa bahay na sinabi niya.

Habang papunta kami sa living room ay inilibot ko ang aking tingin sa buong bahay ni Mr. Cliova, maganda, malinis, sobrang laki pa.

"They are finally here." napatigil naman ako sa pag libot ng aking tingin dito sa bahay nila nang may narinig akong nag salita at nakita ko sina Mr. Cliova sa sala, kasama niya sina Vandran, Basilius, Whienne, Vortigern, Cath, Julia, Ehnna, at Victoria. Mag katabing nakaupo sa malaking couch sina Julia, Cath, Ehnna at Victoria. Samantalang nakatayo lang sa gilid sina Vandran, Basilius, Whienne at Vortigern.

Nasa gitna naman si Mr. Cliova, parang kanina lang din sila nag uusap dito, sadyang matagal lang kami dumating ni Papa.

Nakakita naman ako ng bakanteng upuan kaya kinuha ko iyon at pinaupo si Papa roon at tumayo na lang ako sa kaniyang tabi.

"Ngayon na ba kami pupunta?" tanong ko kay Mr. Cliova at dahil sa ginawa ko, na patingin sina Vandran sa akin.

Tumango naman si Mr. Cliova, "Yeah, ngayon na. Ikaw na lang kasi ang hinihintay namin, at ngayon na narito ka na, aalis na kayo upang pumunta roon." he said, tumingin naman siya kay Papa, "Victor, come with me. Sumunod na rin kayo sa akin." sabi ni Mr. Cliova kay Papa at kina Vortigern, kaya nang umalis na si Mr. Cliova ay sumunod naman sa kaniya sina Vortigern, Cath at Julia.

Tumayo naman si Papa at hinarap ako, hinawakan niya ang aking dalawang kamay. "Take care, my Lamia. I'm sorry if I can't come with you-" pero sumingit ako dahilan para mapatigil siya sa pag salita, "It's okay Papa, Pangako, matatapos na ito, at mamumuhay na tayo ng mapayapa." sabi sa akin ni Papa at hinalikan ang aking noo. Agad namang humarap si Papa kina Vandran, "Take care of my daughter." he said at umalis.

Kaya naiwan kami rito, kasama ko si Van, Victoria, Whienne, Ehnna at Basilius.

"Let's go. Victoria, Whienne, sumunod kayo sa amin, pero maiiwan kayo sa labas ng campus." bilin ni Basilius at umalis palabas ng bahay kaya sumunod kami.

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon