CHAPTER 29: Steal

65 10 0
                                    

Today is the day na magpapaka-stress na naman ako sa pag-aaral.

Lunes na naman.

Nakakasawa.

Pero kailangan ko talaga pumasok. I really need to. Kailangan kong kunin ’yung folder binder na nasa library.

Pero kinakabahan ako, paano kung mahuli ako-- bahala na.

Basta maibigay ko lang ’yon kay Kiel, para rin naman ito kay Sixtine‚ kailangan niya ang hustisya. Hanggang ngayon‚ hindi ko pa rin talaga makakalimutan kung paano ko nakita si Sixtine Igoleciano sa hagdan‚ until now hindi pa rin talaga mawala sa isipan ko kung paano niya ako sinigawan.

Duguan ang mukha niya hanggang leeg, hindi ko rin alam kung paano naging duguan ang mukha niya. I saw the pictures of her dead body, ang nakita ko lang ay duguan siya sa kaniyang leeg at may kagat ito.

Parang kagat ng ahas.

Pero imposible naman ata kung kagat iyon ng ahas. Napaka imposible na mangyari ’yon sa school.

Nag-ayos na lang ako sa aking sarili at inayos ang uniform ko pati na rin ang bag ko. After that, lumabas na rin ako para kumain ng umagahan. Sakto naman at sa aking pagbaba ay nakita ko si Papa na nag luluto ng ulam at inilagay niya na ito sa dalawang plato.

Pumunta naman ako sa sala at inilagay sa sofa ang aking bag. Dumiretso na rin ako sa dining table para makasabay si Papa kumain ng umagahan.

Kaharap ko ngayon si Papa at ang ulam na niluto niya ay hotdog at cornbeef. Sinimulan na rin naming kumain ng tahimik pero binasag ko ang katahimikan na nakapalibot sa amin ngayon, “Pa? Puwede po ba ako na lang umuwi mamaya? May dadaanan pa kasi ako sa Rosé Café e. May i-aabot lang sana ako sa kaibigan ko, after nun uuwi na rin po ako agad.” Paghihingi ko ng pahintulot kay Papa.

Tumigil naman siya sa pag kain at tinignan ako. “Sige... Basta bilisan mo, ah? Huwag ka mag papa-gabi, delikado na kapag nag lalakad ka sa gubat na mag-isa, you know that. Kaya sundin mo ang sinasabi ko sa ’yo.”

Ngumiti naman ako kay Papa. “Promise po!Babalik ako ka agad, mabilis lang naman ako, Pa. May ibibigay lang ako sa kaibigan ko‚ tapos uuwi na rin po ako kapag naibigay ko sa kaniya iyon.” I explained.

He nodded again. “Oh—kay... Pero kapag nadatnan ka na ng gabi, don’t hesitate to text me, okay? Are we clear?”

I nodded.

Kahit kailan talaga mahigpit talaga itong si Papa, pero hindi naman masiyado— sakto lang. Hindi siya pumapayag kapag parang nasa delikado lagay ako, pero pumapayag siya humingi lanh ako ng pahintulot sa kaniya ng maayos.

Marami ring nag sasabi sa akin kung bakit ang bahay namin ay nasa loob daw ng gubat at tinatanong pa nila sa akin kung hindi ba raw ako natatakot? Ang sagot ko naman ay hindi. Bakit naman ako matatakot? Maganda manirahan sa gubat. Malamig, masarap ang hangin, at tahimik. Nakakapag focus talaga ako sa mga gawain kasi ang tahimik. Ang tanging maririnig mo lang ay ang mga nag ka-kantahang mga ibon.

Para sa iba nakakatakot daw, pero para naman sa akin— napaka peaceful. Sobrang tahimik.

A few minutes later, I’m done eating at pati na rin si Papa. Maya-maya rin ay lumabas na kami ng bahay at pumunta sa garahe. Sumakay si Papa sa sasakyan at sumunod na rin ako.

He started the engine at habang tumatakbo ang aming sasakyan ay napatingin ako kay Papa habang ang tingin niya ay nakatitig lamang sa dinadaanan namin.

“Pa?”

“Ano?”

“Kapag uuwi ka na sa bahay after mo ako ihatid sa school, wala ka bang nararamdaman na kakaiba sa gubat kapag papauwi ka na sa bahay?” I asked.

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon