CHAPTER 27: Case

77 9 0
                                    

"You can come with me Ms. Lamia." Mr. Kiel informed me.

Kanina pa kami nag-uusap dito pero hindi niya pa rin sinasabi kung paano ba namatay si, Sixtine.

Napataas naman ang aking dalawang kilay dahil sa kaniyang sinabi. "Saan naman po?" I asked him.

Seryoso naman siyang nakatingin sa akin, “Sa bahay ko.”

Tumayo naman siya at tinignan ulit ako. "I have a lot of files there and one of them is about Sixtine. If you want to see it, you can come with me right now or tomorrow.” Sabi niya sa akin, "I solved some other cases as well, but some of them and including Sixtine, remain unresolved." He added.

Napahinto naman ako ng ilang minuto at tumingin din sa kaniya. "Ahm-- puwede po bang bukas tayo mag kita ulit? Tutal Sunday naman bukas." I told him.

Tumango naman siya sa aking sinabi, "It's okay. Dito lang ulit tayo mag kita para sabay na tayong pumunta sa bahay ko." Sagot niya.

"Anyway‚ tungkol sa sinabi mong may mga ibang kaso pa na hindi pa nailutas, hindi na ba talaga maaayos iyon? Hindi nila makakamit ang hustisya?" Seryosong tanong ko rito, "Well, hindi lang naman kasi ako ang detective dito. May mga kasama din naman ako‚ 'yung mga ibang kaso na hindi pa nalutas ay sila ang gumagalaw at hanggang ngayon ay patuloy pa rin nilang iniimbestigahan ang mga iyon. They need justice, kaya kailangan talaga mailutas ’yon."

"But how about, Sixtine?”

Pero hindi siya sumagot.

“May nakita akong mga folder binder sa library sa paaralan namin. Nakita ko doon kung paano namatay si Sixtine Igoleciano, nandoon din ang mga litrato niya kung saan kuhang-kuha talaga kung paano siya namatay at nakasandal sa hagdan na duguan. May mga nakasulat din doon at alam kong ikaw ang nag sulat nun dahil nandoon ang pangalan mo sa huling parte ng folder.” Walang prenong sabi ko sa kaniya kaya napatitig siya sa akin ng ilang minuto na mukha bang na ko-konsensiya ang kaniyang reaksiyon.

"Ang sabi mo inaasikaso ng ibang kasamahan mo ang ibang mga kaso na hindi pa naiilutas, pero kay Sixtine hindi mo magawa?"

Itinaas niya naman ang kaniyang dalawang kamay na para bang susuko na siya. "Okay okay. Just chill, okay? I'm going to explain everything."

Hindi ko alam kung magagalit ba ako o malulungkot o magiging masaya. Hindi ko alam kung ano ang tunay na nararamdaman ko ngayon, halos magka halo-halo na itong emosiyon ko ngayon.

"Calm down Ms. Lamia."

"I am sorry."

He chuckled, "It's fine." He smiled at me. Umupo siya ulit at tinignan ulit ako, "I stopped investigating dahil may ginagawa ako. Inaamin kong hindi naging tama itong trabaho ko at hindi ko siya nabigyan ng hustisya pati ang pamilya niya. I'm trying my best para makamit ni Sixtine ang hustiya, It's been five years ng namatay siya at sinimulan kong mag imbistiga--"

"Ano? Five years? S-Seriously?"

Tumango siya, "Yeah... Pero tumigil ako sa pag imbistiga sa kaniya noong year 2021. And about sa case niya‚ nakakapagduda. Hindi namin malaman-laman kung ano ba talaga ang nangyari sa kaniya.”

“Ako ang gumawa nung nakita mong folder binder-- wait, where did you find that?"He asked.

"In the library." I answered.

"Library? Saan banda?"

"Sa bandang sulok sa left side. Nakita ko 'yon habang nag hahanap ako ng babasahing libro. May sticker na nakatatak sa pintuan na Private pero na pansin ko namang hindi ’yon nakadikit ng maayos sa dulo kaya tinanggal ko muna pero hindi ko naman inaasahan na may nakatatak din pala doon na Victims." I explained.

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon