CHAPTER 9: I Saw

166 28 0
                                    

We're in the park. Pinili naming pumunta sa playground at umupo sa isang duyan. I'm slowly swinging while Vandran is not. He's just sitting there.

Umupo siya at tinukod ang kaniyang mag kabilang siko sa magkabila niyang tuhod.

We are just watching the kids having fun, nag lalaro at nag tatawanan dito sa playground.

Nakatitig ako sa mga batang nag lalaro sa harapan namin. “The kids are having a fun time. They are quite lucky. They don't have any problems, they're just playing and having fun. Sana talaga bumalik ulit ako sa pagka bata e ’no—”

“Can you tell me about your previous life?” Biglang sabi niya kaya napatigil ako sa pag salita at nilingon siya na ngayo’y naka tingin na sa akin.

“No. I don't trust you.” I told him and continued to swing slowly.

Umiwas siya sa titigan naming dalawa at tumingin sa mga taong nandito ngayon sa parke. “You always repeat that. Nothing has changed.” Sagot niya while he's not looking at me.

I sighed at tumingin din sa mga batang nag lalaro at sa mga taong nandito ngayon sa parke habang dumuduyan ako ng mabagal. “Of course, I don't trust you. You always told me I should avoid Dhamon and you can’t tell me what’s the reason. Can you tell me some reasons why I should avoid Dhamon? I'm just wondering.” Seryosong sabi ko ulit sa kaniya.

Naiirita na ako.

Pagkatapos kong sabihin ’yon, ramdam kong nilingon ako ni Vandran pero hindi ko siya nilingon at patuloy pa rin ako sa pag titig sa mga batang nag lalaro sa aming harapan.

“Kung sasabihin ko sa iyo, maniniwala ka ba?” I stopped swinging nang marinig ko iyon at lumingon sa kaniya.

I am so curious kung ano ba ang nangyayari, bakit ba ayaw niyang sabihin.

Tumaas naman ang dalawang kilay ko. “Hindi mo pa nga sinasabi e. Paano naman ako maniniwala sa iyo kung hindi mo sinasabi sa akin kung ano ang dahilan? ’Di ba?” Sabi ko ulit kaniya.

“No. Kung sasabihin ko sa ’yo, still, you are not going to believe me.”

Umiwas siya sa akin ng tingin at tumingin muli sa aming paligid pero ako naman ay nakatitig sa kawalan. Ano ba talaga ang nangyayari, bakit parang may alam siya, pero hindi niya naman sinasabi sa akin.

Sinusubukan talaga nito ang pasensiya ko e.

“Paano nga kasi ako maniniwala kung ayaw mo nga sabihin? Hindi ko pa nga nalalaman tapos sasabihin mo sa akin na hindi ako maniniwal—”

“Your life is in danger. Gets mo ba?”

I smirked and I looked at him, “Talaga? Paano mo naman na sabi?” I asked him.

He chuckled at tumayo galing sa pagkakaupo sa duyan kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya.

“See? Hindi ka pa rin naniwala.” Sabi niya sa akin at nag simulang mag lakad papalayo.

Nabigla naman ako dahil nag lakas siya papalayo. “Hoy! Teka lang!” Sigaw ko rito pero nag lakad pa rin ito papalayo. Kaya tumakbo ako para maabutan siya.

Hingal na hingal naman akong tumabi sa kaniya. “Galit?” Tanong ko rito.

“I’m not.” Sagot niya habang nakatingin sa dinadaanan namin papuntang sasakyan niya.

Tumango na lang ako, “What time is it?” I asked him.

“Wala ka bang relo? You have your phone too kaya tignan mo na lang sa cellphone mo kung wala kang relo.” Pilosopong sagot niya sa akin kaya nairita naman ako sa kaniya.

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon