“The fourth painting I'll show to you is about a person raping the second person. The first person shown in the painting is attempting to harm the second person, attempting to rape the second person. This painting taught me that we must become kind and compassionate to one another. Stop injuring and abusing one another. Some people prefer to abuse and rape the victim for the sake of pleasure. Of course they want to experience the pleasure. However, that's a stupid idea.”
Tama nga naman... Stop abuse, rape, at iba pa na nakakasama sa ating lahat. Mapababae man o lalaki, hindi nila deserve saktan, gahasain, patayin ng walang dahilan, at iba pa. Sa mundo kasi natin ngayon ay sobrang gulo na kasi talaga.
“Kakaiba talaga si, Lacey... Ang ganda ng mga painting niya...” Bulong sa akin ni, Ehnna.
“Sobra.” I answered.
After that, pumunta naman si Lacey sa kanang bahagi niya kung saan nandoon ang kaniyang pang lima na ipininta.
“My fifth painting is all about... The Moon. The stunning Full Moon.” Wika niya habang katabi ang kaniyang pinta.
Ang ganda...
“Every night, I can't stop staring at the moon. That’s why napag-isipan kong ipinta ’to. Ang ganda niya, hindi ba? Lalo na tuwing gabi. A full moon, waxing crescent, new moon, half moon, waxing gibbous, waning crescent, and third quarter are some of the moon phases.”
Grabe, kabisado niya ’yon lahat, ah?
“Even though the Moon is changing, it's still magnificent to glance at it, right?" Napatango naman kami sa kaniyang sinabi.
"Also the second reason why I painted this, because... I met my first love while looking at the moon. We both enjoyed gazing up at the moon and because of him, I created this piece.” She continued while smiling at us, "He's gorgeous to stare at like— he's the Moon for me, the brightest moon for me.”
Pagkatapos niyang sabihin at ipaliwanag ang lahat niyang mga pinta ay napag isipan na rin naming magpasalamat sa kaniya at magpaalam dahil kami ay aalis na.
She's beautiful. Sobra. Long ash grey hair. Blue eyes. Pointed nose. Napakaganda, perfect na. Hindi rin ako makapaniwala na may asawa na siya kasi hindi naman talaga halata sa kaniya.
Hangang-hanga ako sa kaniya.
“Alam mo ba kung saan ang sunod na punta natin? O babalik na tayo roon sa campground sa La Vue?” Tanong ko kay Dhamon nang makaupo na kami sa bus.
Umiling naman siya sa sinabi ko, “Hindi ko alam e.” Sagot niya naman sa akin. Tumango na lang ako sa kaniyang sinagot at hinanap ng aking mga mata si Ehnna. Nakita ko naman siya sa likuran at panay titig pa kay Basilius lalo na’t malapit lang sila.
Maparaan talaga kahit kailan. Parang ewan talaga ’tong si, Ehnna e. Kakaiba rin.
Umayos na lang ako sa pagka upo at nilingon si Dhamon na nakapikit at naka sandal ang ulo sa upuan ng bus. “Bilis makaidlip.” I whispered
“I’m not sleeping. I'm just closing my eyes.” Biglang sabi niya habang nakapikit pa rin ang kaniyang mata. Napailing na lang ako roon at mahinang napatawa sa kaniya. Inilipat ko na lang ang aking tingin sa katabi kong bintana at hinihintay na umalis itong bus.
Nabigla naman ako— dahil paano niya narinig ang sinabi ko? O baka napalakas ko ata... Bobo ko rin talaga minsan.
Minutes later, nag simula nang umandar ang bus na sinasakyan namin. Habang umaandar naman ang bus na sinasakyan namin ay bigla akong nakadama ng pagkabagot kahit sobrang ingay ng mga kaklase ko rito sa bus. Nakakabagot talaga.
BINABASA MO ANG
Saved By The Alpha (COMPLETED)
Ciencia FicciónShe is the girl with the pure and virgin blood. A Man wants to obtain her blood before the full moon and bring it to his Father who has been sleeping for one hundred years and he needs pure and virgin blood to reawaken. Then, a stranger arrives, pro...