"I want to know everything about Sixtine Igoleciano. I want to know how her case is still unsolved."
Napatahimik naman ang kabilang linya kaya kinabahan naman ako dahil hindi na siya sumagot.
"H-Hello?" Pag-uulit ko pa rito. Halos doble-doble na ang kabog ng puso ko.
"Y-Yeah... I'm still here.”
Huminga naman ako ng maluwag.
“Anyway‚ ka ano-ano ka ni Ms. Igoleciano?"
Lagot.
Hindi ko alam ano ang sunod na sasabihin ko.
Napakagat naman ako sa aking kuko at iniisip kung ano ang sunod na sasabihin. Ano ba sasabihin ko? kapatid ko siya? kaibigan? pero ang kasabihan naman ng iba bawal mag sinungaling, pero nag sinungaling naman ako ng ilang beses.
Siyempre, hindi natin maiwasan 'yon‚ hindi ba?
"U-Uhm... S-She's my f-friend po."
"Oh... Do you really want to know what happened--"
"It's a yes." I said.
Bigla namang napatahimik ang kabilang linya kaya akala ko wala na si Detective Kiel Warnian kaya napatingin ako sa cellphone ko to check kung pinatay niya ba ang tawag, pero hindi.
"Alright. Are you free tomorrow?" He asked.
Napahawak naman ako sa aking batok habang kinakabahan pa rin na makausap si Detective Kiel Warnian. "May p-pasok po kasi ako bukas e. Maybe s-sa Saturday po?"
"Yeah... Sure‚ I don't mind.” He answered.
“And by the way‚ puwede sa Saturday ng umaga? Maybe nine thirty?"
"Saan po tayo mag ki-kita?"
"Sa Rosé Café."
"Sure po. See you." Sagot ko naman.
Hindi ko na siya hinintay pa na mag salita dahil naipatay ko rin ka agad ’yung tawag, hindi ko na rin makontrol ’tong pagka kaba ko.
Hindi tuloy ako mapakali dahil sa aking ginawa. Hindi ko na rin alam kung nasa tama ba ako o baka nasa mali. Hindi ko rin naman kasi kilala si Sixtine e. Base rin sa nabasang date ko doon sa folder niya ay hindi pa ako dito nag aaral.
"Ano kaya ang sunod na mangyayari... Ano ba kasi ang ginagawa mo Lamia, napaka tanga mo, baka tinatahak ko na ang maling paraan... Baka hindi ito nakakatulong o baka nag dadagdag lang ako ng problema kay Sixtine kahit wala na siya." I whispered habang nakaupo sa kama at nakatulala lang.
Hindi ko na talaga alam kung ano na ang nangyayari, palagi na lang ganito-- na para bang may mali.
Tuwing nasa bahay naman ako, nararamdaman kong may nakatingin sa akin. At sa tuwing wala naman ako sa bahay at nasa paaralan ako, ramdam ko rin na para bang may nakabantay sa akin sa bawat galaw ko o kahit saan man ako mag punta.
Hindi ako nagiging komportable.
Napabuntong hininga na lang ako at pumunta ako sa bintana ng aking kuwarto at ibinaba ang kurtina. Simula nung may misteryosong taong nag papakita sa labas ng bahay namin, na isipan ko nang takpan ito ng kurtina tuwing gabi.
Pagkatapos nun ay naisipan ko nang bumalik sa kama at nag dasal muna bago matulog.
"Lord‚ kung sakaling may mangyayaring masama po sa buhay ko‚ sana naman po ay hindi niyo po ako pababayaan. Tulungan mo po akong malampasan ang mga lahat ng problema ko. Sana naman ay maayos din po ang lagay ni Mama jan kasama kayo, please take care of her po. Kung may problema man si Papa na hindi niya sinasabi sa akin, sana naman ay tulungan niyo siyang maayos ’yon, sana malampasan niya. In Jesus name... Amen."
BINABASA MO ANG
Saved By The Alpha (COMPLETED)
Science FictionShe is the girl with the pure and virgin blood. A Man wants to obtain her blood before the full moon and bring it to his Father who has been sleeping for one hundred years and he needs pure and virgin blood to reawaken. Then, a stranger arrives, pro...