"Bukas ng umaga?" I asked Kiel and he nodded. "Yes‚ mga five thirty ng madaling araw-"
My eyes widened of what he said. "Talaga? Ang aga naman ata nun. Seryoso ka ba sa desisyon mo? Hindi pa open 'yung library sa ganiyang oras. Open ang library namin mga six thirty ng umaga." I explained.
Mahina siyang napatawa at tumango rin naman sa aking sinabi. "Alright, mag kita tayo rito bukas mga six ten AM. I'm sorry if it's too early for you but I really need your help, Lamia."
I smiled at him‚ "Ayos lang, walang problema."
"Nga pala‚ kailangan ko nang umuwi. Baka hinahanap na ako ni Papa, malapit na rin kasing gumabi." Sabi ko sa kaniya at tumayo‚ tumango naman siya sa akin at ngumiti ng bahagya. "Take care‚ ite-text na lang kita later- wait‚ do you want me to drive you home?" Ani niya at tumayo agad pero umiling naman ako sa kaniyang sinabi at nginitian siya.
"Huwag na‚ malapit lang din naman ang bahay namin mula rito. Maglalakad na lang ako."
He nodded and finally said goodbye to me. Umalis na rin ako agad sa Café and I walk faster as I can until I reach the forest.
Habang naglalakad naman ako sa gubat ay napalingon naman ako sa aking likuran at mula sa kalayuan ay nakita kong may lalaking naglalakad.
Hindi ako nagkakamali pero si Vandran 'yon.
Agad naman akong tumakbo papunta sa kaniya pero hindi ko namalayan na may nakaharang pala na maliit na troso sa daan kaya hindi ko ito na pansin. Ito rin ang dahilan para ako ay matumba at mabagsak.
Kaya napaigik ako sa sakit at napatingin ako sa aking kanang siko na may kaunting sugat, lalo na rin sa aking palad.
"Ang tanga mo naman."
Inangat ko ang aking tingin at nakatayo siya sa aking harapan.
Inabot niya ang kaniyang kamay para tulungan akong tumayo. Tinanggap ko ito kaya nakatayo ako. "Thank yo-" Hindi pa natatapos ang sasabihin ko nang umalis na ka agad siya na para bang walang nangyari.
Napaka tarantado talaga nitong lalaking 'to.
Maliit lang naman ang sugat ko sa tuhod pati na rin sa aking palad kaya natitiis ko ang sakit. Binilisan ko na lang mag lakad upang maabutan ko siya at tumingkayad ako para maabot ko ang earphones niya na nasa kaliwang tainga niya. At nang makuha ko ito ay ka agad ko itong ipinasok sa aking tainga at pinakinggan ang kantang pinapakinggan niya.
So maybe it's true
That I can't live without you
And maybe two is better than one
But there's so much timeTo figure out the rest of my life
And you've already got me coming undone
And I'm thinking two is better than one
What the-
He's listening to Boys Like Girls and Taylor Swift song!
This is also one of my favorite song...
Ka agad niyang inagaw sa akin ang earphones niya at ipinasok ulit sa tainga niya. "Paborito mo rin pala 'yan?" Hindi siya sumagot at tinignan niya lang ako. "Astig, may taste ka rin pala sa mga music, 'no?" Sabi ko rito pero hindi niya pa rin ako pinansin at patuloy lang siya sa paglalakad.
Habang naglalakad kami ngayon dito sa kagubatan ay hindi ko ulit maiwasang mapatitig sa kaniya.
"Puwede ba ako mag tanong?" Paninimula ko.
BINABASA MO ANG
Saved By The Alpha (COMPLETED)
Science FictionShe is the girl with the pure and virgin blood. A Man wants to obtain her blood before the full moon and bring it to his Father who has been sleeping for one hundred years and he needs pure and virgin blood to reawaken. Then, a stranger arrives, pro...