CHAPTER 11: Stay Away From Them

149 27 0
                                    

We're currently eating lunch at the cafeteria. I am eating quietly with, Ehnna.

Dhamon, isn't here because he's busy with something else. Sinabi niya iyon kanina bago kami pumunta sa cafeteria para kumain, wala kaming ideya kung saan siya pumunta o kung ano ang ginagawa niya ngayon pero naiintindihan naman namin ni Ehnna si Dhamon.

Kaharap ko ngayon si Ehnna na ngayo’y busy sa kinakain niya, habang ako naman ay kumakain pero nakatulala naman.

Nakatitig ako sa kalayuang table kung saan nandoon sina, Vandran, Basilius, Whienne at, Vortigern. Kitang-kita ko sina Vandran at Basilius na mag katabi at sobrang seryoso pa nito. Kaharap naman nila sina Whienne at Vortigern na ngayo’y nag tatawanan ang dalawa, tumatawa sila pero walang reaksiyon sina Basilius at Vandran.

Grabe parang hindi sila natatablan ng mga biro, ah? Napakaseryoso. Samantalang si Vortigern naman isip bata masiyado, mukha talaga siyang bata e, masayahin talaga siya. 

Napatigil naman ako sa pag titig sa kanila ng bigla akong niyugyog ni Ehnna kaya bumalik ako sa katinuan, “Hoy! Kanina ka pa naka tulala ah, what's happening?” Nag-aalalang tanong niya sa akin.

I looked at her, “Wala ah.” Pagsisinungaling ko at tinignan ulit ang pagkain ko at kumain.

“Talaga lang, ah?” Sabi niya kaya inangat ko ang aking tingin para tignan siya. Lumingon naman siya sa kaniyang likuran at para bang hinahanap niya kung sino ang tinititigan ko kanina, “Sino ba tinititigan mo kanina? Nakatulala ka lang ba talaga? O may tinititigan ka?” Tanong niya sa akin at tumingin muli sa likuran niya kung saan makikita sa kalayuan sina, Vandran.

Nilingon niya naman ako at ngumisi na para bang may masamang balak. Tanginang babae ’to. “Hmm, alam ko na sino tinititigan mo,” She said, I raised my two eyebrows after she said that, “Sino?” Tanong ko naman rito habang may lamang pagkain ang aking bibig.

Inubos ko na muna ang pagkain ko at hinintay niya muna akong maubos iyon bago siya mag salita ulit. Tumingin na naman siya sa kaniyang likuran na kung saan masayang nag uusap sina, Vandran, Basilius, Whienne, at Vortigern. She look at me again, “Tinititigan mo ba sina Basilius kanina?”

“Hmm, hindi. Nakatulala lang naman ako kanina ah—” She cut off my words, “Talaga? Bakit parang kanina doon ka nakatitig sa kanila?” Wika niya at tumawa.

Sinamaan ko naman siya ng tingin, “Tumahimik ka na lang, napaka oa mo e. Hindi naman sila ’yung tinitignan ko kanina,” I lied.

Naningkit naman ang mga mata niya at inilapit ang kaniyang mukha sa aking mukha, kaya dahil dito ay napa atras ako. “Weh? Talaga ba Lamia Jane Casimiro Alejandro?” Sinamaan ko naman siya ng tingin, “Lumayo ka nga.” Pagtutulak ko rito, lumayo naman siya at umayos sa pag upo. “Walang hiya, sinabi pa talaga full name ko.” I said.

Tumawa naman siya, “Bakit ah? Ganda nga e. Napapaisip nga ako minsan sino makaka tuluyan mo, no boyfriend since birth ka pa naman—”

I laughed, “Tama ka na, parang gago e.”

“Alam mo, pumunta na tayo sa classroom, anong oras na e.” Tumayo naman ako.

Unang nag lakad si Ehnna at bago ako sumunod sa kaniya ay tumingin muna ako sa table nina Vandran pero nagulat naman ako dahil lumingon siya sa akin habang sina Basilius ay busy sa pag uusap kasama sina, Vortigern at, Whienne.

Nagkatitigan kami ng mga ilang minuto pero pinili kong umiwas ng tingin at umalis na doon sa cafeteria hanggang sa nakabalik kami sa classroom.

Hanggang sa nakaupo na kami sa aming upuan. Nakatitig lamang ako sa katabi kong bintana, napansin ko ring pumasok na sina Vandran at bumalik na rin sa kanilang mga upuan which is nasa aking harapan lamang namin.

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon