“Let’s go. We need to get out of here.” narinig kong sabi ni Vandran sa aming likuran habang nakaupo ako sa sahig at nakatitig sa walang buhay na katawan ni Ehnna.
Dahan-dahan namang inihiga ni Basilius si Ehnna sa sahig, at nang maihiga niya na ito ay tumayo na siya pero ako ay hindi pa.
Lumapit ako kay Ehnna at hinawakan ang mag kabilang pisngi niya habang ang aking mga luha ay hindi pa rin tumitigil kakadaloy sa aking mag kabilang pisngi. “I’m sorry... I love you Ehnna...” I whispered habang ang aking bibig ay nanginginig na.
Naramdaman ko namang may may humaplos sa aking likuran, ngunit hindi ko ito pinansin at niyakap ang walang buhay na katawan ni Ehnna. “Tara na... Wala na siya Lamia, kailangan na rin nating umalis bago sumapit ang umaga.” Iyon ang narinig ko mula kay Vandran.
Niyakap ko ng mahigpit si Ehnna at pagkatapos non ay dahan-dahan akong tumayo para umalis na.
Hinarap ko naman si Vandran. “P-Paano ang katawan n-niya? dito na lang b-ba habang b-buhay ang katawan n-niya?” nauutal kong tanong kay Vandran pero tinignan niya lang ako at wala naman siyang emosiyon, na para bang wala lang sa kaniya ang nangyari.
“Ipapakuha ko ’yan. Uutusan ko ang mga kasamahan namin para mailibing siya katabi ang mga magulang niya.” Vandran said.
Napalingon naman ako kay Basilius, kitang-kita naman sa kaniyang mga mata na labis siyang nalungkot sa nangyari.
He loves Ehnna, but it's too late, it's too late to love her. Na huli si Basilius.
“Let’s go.”
Pagkatapos sabihin ni Vandran iyon ay sumunod naman kami ni Basilius sa kaniya. Habang nag la-lakad din kami palabas ng campus ay hindi ko maiwasan na punasan ang mukha ko dahil napupuno ito ng mga luha.
Pinipilit ko ang sarili ko na huwag umiyak sa nangyari, pero hindi ko talaga kaya. Si Ehnna ’yon e, siya lang ang matalik na kaibigan na meron ako, tapos mawawala siya sa akin. Nakita ko pa kung paano siya pinatay sa aming harapan, at hinding-hindi ko iyon makakalimutan.
Lumabas kami sa likod ng campus, kaya nang makalabas na kami ay natahimik kami bigla.
Iniisip ko lang talaga si Ehnna, alam ko namang ganoon din si Basilius dahil kanina pa siya tahimik at nakikita ko rin sa kaniya na pinipigilan niya ang kaniyang mga luha na huwag lumabas sa kaniyang mga mata.
“What happened?” boses iyon ni Whienne kaya napalingon naman kami sa gilid nang sumulpot sina Victoria at Whienne, hingal na hingal din sila sa kakatakbo.
“Ehnna died.” malamig na sabi ni Vandran sa kanila.
Nakita ko namang nalungkot si Whienne sa kaniyang narinig pero si Victoria ay walang reaksiyon katulad kay Vandran.
“I’m sorry. We are too late at hindi namin nailigtas si Ehnna—” nag salita naman si Victoria pero sumingit ako dahilan para mapatigil siya sa pag sa-salita.
“Nangyari na ang dapat mangyari, kaya wala na tayong magagawa.” sambit ko kaya napatahimik silang lahat.
“Mauna na kami.” pag paalam sa amin ni Whienne.
Whienne transformed into a werewolf at tumakbo ng mabilis paalis ng campus, ganoon din si Victoria pero tumakbo lamang siya ng mabilis, siguro inilihi sila kay Flash dahil ganoon din sila Nate.
Na para bang nasa Twilight na pelikula ako, the Vampires can run faster and more faster.
Bigla namang inabot sa akin ni Vandran ang libro na kanina niya pa hinahawakan. Tinanggap ko naman ito at saka ako tumingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Saved By The Alpha (COMPLETED)
Science FictionShe is the girl with the pure and virgin blood. A Man wants to obtain her blood before the full moon and bring it to his Father who has been sleeping for one hundred years and he needs pure and virgin blood to reawaken. Then, a stranger arrives, pro...