CHAPTER 32: Can You?

83 11 0
                                    

“I need your help.”- Kiel.

Nireplyan ko naman siya ka agad.

Sure, when?
Sent. 12:05 PM.

Hindi pa ito umabot ng minuto ay nag reply na ka agad siya sa text ko.

Mamayang hapon. Sa Rosé Café pa rin tayo mag kita‚ may sasabihin lang ako sa iyo roon. I badly need your help.
Received. 12:05 PM.

Tinitigan ko lang ang text message niya sa akin kaya napatitig ako sa kawalan dahil doon.

Sasabihin ko ba kay Papa na hindi niya ako susunduin mamaya? Sabihan ko kaya siya— gusto ko rin kasing umuwing mag-isa. Gusto ko rin kasing masubukan. Baka sakaling makasabay ko ulit si Vandran, kakausapin ko ulit siya.

I sigh deeply at i-tinext si Papa.

Pa? May load ka ba ngayon? Kung meron man, puwede bang tawagan mo po ako?
Sent. 12:07 PM.

Lalabas na sana ako sa room ng biglang nag vibrate itong cellphone ko.

Papa is calling me.

“Yes, honey. I saw your text message, do you need anything?” Narinig kong sabi ni Papa mula sa kabilang linya‚ “Ah... Kasi ano po e... m-may--”

“What is it? Are you okay? Kumain ka na ba? lunch na, ah? You need to eat.” Sagot niya habang nag lalakad ako sa hallway at papunta ngayon sa cafeteria para kumain ng tanghalian.

Hindi ko maituloy itong sasabihin ko dahil kinakabahan talaga ako. Palagi kasi akong nag e-expect na baka magalit si Papa sa akin. I can still remember when I was in ninth grade‚ umuwi ako mag-isa tapos pinagalitan niya ako. Natatakot ako.

“Puwede po bang huwag mo na lang ako sunduin mamaya Papa? May lakad kasi kami ng kaibigan ko e, may pag-uusapan lang po sana kami.” I explained to him.

Narinig ko naman siyang napabuntong hininga dahil sa aking sinagot kaya kinabahan naman ako doon‚ “Okay‚ basta huwag ka lang mag papagabi ha? Masiyadong madilim sa gubat tuwing gabi. Don’t break my trust, Lamia Jane.”

Napangiti naman ako dahil sa kaniyang sinabi.

Yes! yes! Ako lang mag-isa ang uuwi ngayon!

“I promise po! Hindi na ako mag papagabi, uuwi po ako ka agad.” Masayang ani ko kay Papa. “Take care honey‚ I love you.”

“I love you too, Papa.”

Pinatay na rin ni Papa ang tawag pagkatapos kong sabihin sa iyon sa kaniya. Nag lakad naman akong nakangiti papuntang cafeteria para sabayan sina Ehnna at Dhamon doon na ngayo’y nag hihintay sa akin.

Habang nag lalakad ako sa hallway‚ nakita kong papunta sa direksyon ko si Vandran at kasama niya ngayon si Basilius. Hindi ko alam pero bakit ang mga babaeng nadadaanan nila ay kinikilig o ano‚ hindi ko alam kung baliw ba sila.

My eyebrows furrowed because of that‚ ganiyan talaga ang mga ibang babae rito kapag may mga guwapong dumadaan sa hallway.

Nakakasawa rin.

Nang malapit na sina Vandran sa akin ay patuloy lamang ako sa pag lakad at dinaanan lang nila ako na parang wala lang. Nang nilampasan nila ako ay nilingon ko sila mula sa aking likuran.

Ano kaya ang meron?

Napailing na lang ako at Ibinalik ko na lang ang aking tingin sa harapan at nag patuloy sa pag lakad hanggang sa nakarating ako sa cafeteria.

Inilibot ko ang aking tingin sa buong cafeteria at nakita ko sila Ehnna at Dhamon doon sa sulok at mag kaharap silang dalawa. I walked too fast para puntahan sila, tumabi ka agad ako kay Ehnna. At nang makaupo na ako sa tabi ni Ehnna at tinignan ko silang dalawa na mag kaharap at sobrang tahimik pa nito.

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon