DHAMON’S POV
We're currently in the living room, nakaupo kami ngayon sa mag kaharap na mahabang couch. Kasama ko ngayon sina, Dad and Mom na nasa harapan namin at nakaupo rin sa couch, at narito rin sa aking tabi si Kiel. Hinihintay din namin sina Nate na dumating, mula rito ay maririnig namin ang kanilang mabibilisna hakbang pabalik dito sa mansiyon.
Kami talaga dapat ni Kiel ang pupunta doon sa campus, pero dahil kay Nate at Nichole, hindi kami nakapunta doon. Binantaan din ako ni Dad kanina, kung ako ang pupunta doon sa campus, hindi raw siya mag da-dalawang isip na patayin si Lamia.
I regret everything. Kung kami sana ni Kiel ang pumunta roon, walang mamamatay na mga estudyante, hindi rin dapat mamamatay si Ms. Lanikan kung kami ang pumunta roon, at hindi rin sana mamamatay si Ehnna kung kami ang pumunta doon.
Then, a few minutes later, Nate and Nichole have just arrived in the mansion; they came from the university to murder some students and steal their blood. Sa kanilang pag dating ay pumunta sila gilid nila Mom and Dad.
Alam kasi namin na pinagplanuhan nila Vandran na pumunta sa campus upang kunin ang librong iyon. The Vcyi book. They want the Vcyi book, dahil gusto nilang talunin ang Ama ko gamit ang librong iyon.
“Why did you killed Ehnna?” I asked Nate kaya napalingon ito sa akin.
He smiled at me na para bang may saltik siya sa utak. “Bakit? bakit umaangal ka? akala ko ba, mag ka-kampi na tayo ngayon? bakit ka pa nag aalala sa babaeng ’yon e wala na nga siya.” mahina naman siyang tumawa at napailing na lang.
“She deserves death. Dahil kung hindi mawawala si Ehnna, sigurado akong mangengealam siya sa mga plano natin.” sambit ni Nichole habang katabi niya si Nate.
Tumayo naman si Dad sa pag kaupo mula sa couch kaya napalingon kaming lahat sa kaniya. Lumapit siya kay Nate at tinapik niya ang balikat ni Nate, “Good job, Nate. Hindi ka pa rin talaga nag bago, magaling ka pa rin talaga.” iyon ang sabi ni Dad kay Nate.
Kaya iniripan ko na lang sila dahil doon sa kanilang inasta. Alam ko namang nakita ni Mom ang reaksiyon ko, pero wala na akong pake.
Ipinatong ko naman ang aking mga siko sa aking tuhod at napayuko na lang at mahinang napailing, habang si Kiel naman ay nasa aking tabi at sumandal sa couch and he crossed his arms.
Mga segundo ang nakalipas ay bumulong sa akin si Kiel, “Init naman ng ulo mo.” he chuckled.
Pero hindi ko ’yon pinansin at nakinig lang sa pinag uusapan nila Dad at Nate.
Inangat ko naman ang aking tingin upang tignan sila. Nakita ko namang hawak-hawak na ni Dad ang Vcyi book. “Pumunta tayo sa labas bago pa sumapit ang araw, we need to destroy this book.” Dad says, kaya tumayo na si Kiel pero ako ay nanatili pa ring nakaupo sa couch.
Akmang aalis na sila palabas ng mansiyon upang sirain ang libro, pero lahat sila ay napatigil at napatingin sa akin.
“Hindi na ba sa-sama sa amin?” seryosong tanong sa akin ni Nichole.
Tumayo naman ako mula sa pagkaupo sa couch at inilagay ang aking kamay sa aking bulsa. “No.” maikling sabi ko sa kanila.
Seryoso namang nakatingin sa akin si Nate at nag salita naman siya, “Why? kailangan mong sumunod sa sa-sabihin ko Dhamon—” pero hindi ko siya pinatapos mag salita, “Bakit? ikaw ba si Mom, para sundin kita?”
“I’m your Mother, Dhamon. Kaya sumunod ka sa Ama mo.” singit ni Mom sa aming usapan kaya napatingin ako sa kaniya. “I don't care if you and Dad are my parents. I don't care because I didn't see you both as my Mother and Father, I can't feel it. Ikaw rin Mom, I didn't even treat you as my Mother.”
BINABASA MO ANG
Saved By The Alpha (COMPLETED)
Science FictionShe is the girl with the pure and virgin blood. A Man wants to obtain her blood before the full moon and bring it to his Father who has been sleeping for one hundred years and he needs pure and virgin blood to reawaken. Then, a stranger arrives, pro...