CHAPTER 8: Treat You

182 32 0
                                    

Nang makauwi na ako sa bahay kasama si Papa ay agad na akong pumasok ng bahay at pumasok na rin sa kuwarto para mag bihis at ayusin ang mga kagamitan ko.

Pagkatapos kong mag bihis ay napag isipan ko na rin bumaba para tulungan si Papa na mag luto sa kusina para sa aming hapunan.

Bumaba ako at pumunta sa kusina, nakita ko naman si, Papa na ngayo’y nag hihiwa ng mga gulay. Tumabi ako sa kaniya at nag handa ng kutsilyo para mag hiwa rin ng mga gulay pero nilingon ako ni, Papa. “Much better kung uupo ka na lang dito sa stool, don’t help me—” I stopped him. “Pa, naman e. Para nga mabilis, ayaw mo bang tulungan kita? Mas lalo tong sasarap kasi tumulong ako,” I chuckled at kinuha ang carrots at hiniwa-hiwa iyon.

Narinig ko naman siyang napabuntong hininga habang hindi ako naka tingin sa kaniya at patuloy na nag hi-hiwa sa mga gulay.

“Ikaw talaga... Mukha kang si Mama mo e.” He said at nagpa tuloy sa pag hihiwa, pero napatigil naman ako at napalingon kay, Papa.

Naalala ko tuloy lahat-lahat, it hurts remembering how my Mom died. I can still remember it. I can still remember the pain.

I sighed at napapikit na lang, pinagpatuloy ko na rin ang aking ginagawa at tinulungan si Papa sa ginagawa niya.

This time, I’m still lucky to have him sa buhay ko. Hindi ko talaga kakayaning mawala si Papa sa akin. Hindi ko talaga hahayaang mangyari iyon.

Maya-maya pa ay naluto na nga ni Papa ang niluluto niyang pancit kaya pumunta na kami sa hapag-kainan para simulan nang kumain.

While we are eating ay napansin kong tahimik lang si, Papa. Kaya pinili kong basagin ang katahimikan.

“Pa?”

“Hm?”

“Hindi po ba kayo nalulungkot dito kapag may pasok ako tapos ikaw mag isa lang dito?” I asked him.

Umiling naman siya, “Why would I? I know your Mom is with me always.” He answered seriously at kumain ulit.

I smiled after hearing those words at inubos na rin ang pagkain ko at ganoon na rin si, Papa. Kaya nang matapos kami sa pag kain ay naisipan ko na rin hugasan at linisin ang mga pinggan na ginamit namin.

After ko linisin ang mga pinggan ay napa tingin ako sa wall clock and it's eight thirty-two pm. Nilingon ko naman si Papa sa sala na ngayo’y nanonood ng TV.

“Pa? You need to sleep na. Gabi na o,” I informed him at narinig naman ni Papa iyon. Tumango naman siya sa sinabi ko at pinatay niya na ang TV, kaya pinatay ko na rin ang ilaw sa sala at sabay na kaming umakyat papunta sa aming mga kuwarto.

Nasa aking kuwarto na ako at nasa kabilang kuwarto naman si, Papa. Before I sleep, I decided to pray to avoid the distraction habang ako ay natutulog. Na sana’y hindi ako makaramdam ng kakaiba kapag ako ay tulog.

Today is Saturday and It's our rest day. Therefore, there will be no school.

Finally!

Saya naman nakakapagod din kasi mag aral e. Nakakapagod, nakakatamad, halo-halo talaga mararamdaman mo e.

Bumangon na ako mula sa higaan and I go to the restroom to wash my face at mag toothbrush. Inayos ko na rin ang aking buhok at sinuklayan ng maigi. Gusto ko sana i-bun itong buhok ko pero naalala ko na short hair pala ako.

I chuckled, “Ang tanga ko.” I whispered to my self at lumabas sa banyo at pumunta sa sala.

I saw my Dad cooking something, na pansin niya rin ako na bumaba kaya napatingin siya sa akin. “Oh, hi there sweetie. I cooked something for you,” He said. “Check this.” Kaya umupo na ako sa stool.

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon