CHAPTER 41: Basilius

85 10 0
                                    

Nagising ako dahil sa sobrang lamig, kahit nakakumot ako ay sobrang lamig pa rin. Dahan-dahan kong ibinuka ang aking mga mata at tumagilid ng higa, kaharap ko na ngayon ang glass wall at tinititigan ang mga punuang nag sasayawan.

Nag dududa rin ako kung kaninong bahay itong pinasukan ko.

Napabuntong hininga na lang ako at dahan-dahang tumayo habang ang aking isang paa ay naka leg bandage pa rin. Tinapak ko ito sa sahig upang malaman ko kung masakit pa ba, pero hindi na. Tatayo na sana ako ng biglang pumasok si Whienne at may dala itong damit, lumapit naman siya sa akin.

Ngumiti naman siya at inilagay ang nakatuping damit sa kama at saka hinawakan ang aking mag kabilang balikat upang alalayan ako. "Hindi na ba masakit ang mga paa mo?" she asked at sumagot naman ako rito, "Yeah, nawala na rin 'yung sakit. Siguro puwede ko na itanggal itong bandage." sabi ko rito na ikinatango niya.

Umupo muna ako sa higaan at tinanggal ang bandage na nasa aking paa at nang matanggal ko na ito ay tinignan ko kung may sugat ba ito, at nakita ko namang may gasgas ito kunti pero hindi na siya masakit o mahapdi.

Tumingin naman ako sa buong katawan ko, I suddenly realize na ang dumi-dumi ko na pala. Naka uniform pa rin ako, mabuti na lang at hindi ako mabaho. Nakakatawa lang isipin kasi naka uniform pa ako‚ tapos ang dumi-dumi ko‚ tapos humiga pa ako rito sa malinis na higaan. Baka mamaya marumi na rin itong higaan na hinihigaan ko.

"Narito ang damit mo, your father gave me these clothes and he told me to give them to you," Whienne explained. "You may also take a shower there," Whienne said while she pointed the rest room in the corner. "We're all waiting for you in the living room," she continued, and I nodded.

Ngumiti naman siya sa akin bago siya lumabas sa silid na ito at umalis. Tinignan ko ang aking damit na nasa aking tabi at nakatupi, kinuha ko ito at nakita kong jean shorts ito at hazel color t-shirt. Tumayo ako at pumunta sa banyo para maligo dahil alam kong mabaho na ako, nakakahiya naman kasi ang baho ko na, tapos lumapit pa sila sa akin.

Hindi siguro ako mabaho kasi lumapit sila e hahahaha.

Matapos ang ilang minuto na naligo ako sa banyo ay napag isipan ko na ring mag bihis at itinupi muna ang aking uniporme na aking suot-suot since last last day. Lumabas naman ako mula sa banyo at pumunta sa higaan upang ayusin iyon at inilagay ko muna ang aking uniporme na aking tinupi. Nag ayos na rin ako sa aking sarili bago lumabas ng kuwarto.

Nang makalabas ako ay inilibot ko ang aking tingin sa buong bahay, hindi ko alam kung bahay ba ito o ano, pero ang ganda.

Dahan-dahan akong nag lakad habang inilibot ko ang aking tingin. Sa unahan naman ay makikita ko sila Whienne na nag uusap kasama sila Basilius. I walked slowly at pumasok sa sala, at nang makapasok ako ay tumigil sila sa pag sasalita at tinignan nila ako.

It's getting awkward here...

Sumenyas naman si Whienne na umupo ako sa isang armchair na kung saan makakaharap ko lang sila. Pumunta naman ako sa armchair na itinuro sa akin ni Whienne at umupo roon, kaya ngayon ay kaharap ko na sila. Nakaupo si Whienne sa couch at katabi niya si Basilius at Vortigern, samantalang nakatayo lang si Vandran sa kanilang gilid habang naka krus ang kaniyang mga braso.

"How are you? masakit pa ba ang mga paa mo?" tanong sa akin ni Vortigern pero umiling naman ako sa kaniyang tanong. "I'm fine." maikling sambit ko.

Napatingin naman ako kay Basilius ng nag salita rin siya, "That's good then." wika niya. "Hindi mo talaga ako maalala." pagpapatuloy niya na ikinaduda ko, kaya napakunot ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi. "Sa alin?" I asked him. Pero hindi na natuloy 'yon dahil biglang dumating si Victoria at tumayo sa tabi ni Vandran. "It's so nice to meet you again Lamia." she smiled at me.

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon