CHAPTER 4: I Don't Trust You

257 40 2
                                    

"Class, dismiss." Ma'am Lanikan announced at lumabas na sa classroom.

Napag-isipan ko na rin linisin ang chairs table ko dahil sa nakakalat kong notebooks at libro. Inayos ko iyon at inilagay sa bag ko‚ after that nag-ayos na rin ako sa sarili ko.

Ganoon din si Ehnna na nag liligpit ng mga gamit niya.

Busy ang mga kaklase ko sa pag-aayos ng mga kagamitan nila lalo na't lunch time namin ngayon at pupunta na sila sa Cafeteria. Hindi ko naman mapigilan mapatitig sa labas ng bintana pagkatapos kong mag ligpit sa aking mga kagamitan.

I can't stop thinking kung sino si Basilius sa buhay ko noon.

It looks like I know him- o baka hindi? Baka nagkakamali lang ako o baka assuming lang ako. Hindi lang naman siguro siya 'yung Basilius sa buong mundo.

Napapikit na lang ako at napailing dahil sa inisip ko. Baka nga hindi siya, marami naman kasing Basilius sa mundo. Hindi siya nag-iisa.

Napayuko naman ako at napatawa nang mahina.

"I'm insane." Bulong ko sa aking sarili.

Napaigtad naman ako dahil may biglang sumigaw bigla sa tainga ko.

"Hoy, Lamia! Nakikinig ka ba sa sinasabi ko!" Sigaw ni Ehnna sa aking tainga. Dahil doon, sinamaan ko siya ng aking tingin dahil sobrang ingay nito.

Kumunot naman ang aking noo sa kaniya, "Ano ba? Bakit ka ba sumisigaw sa tainga ko? Puwede ka naman mag salita ng normal. Hindi 'yung sisigaw ka pa sa tainga ko, hindi naman siguro ako bingi-"

Sumingit naman siya, "Hoy! For your information, kanina pa kita tinatawag. Ngumiti ka na lang bigla, baliw ka na ba?" Seryosong sagot niya naman.

Kaya napatawa ako dahil doon, "I'm sorry." And I laughed again. "May inisip lang kasi ako, t'saka ano ba sinasabi mo? Piwede mo bang ulitin? Hindi ko narinig e." I told her.

"Kanina ka pa namin tinatawag ni, Dhamon. Kaso hindi ka naman sumasagot." Wika niya at hinawakan ang aking noo. Inalis ko naman ang agad ang kaniyang palad na nasa aking noo and I glared at her. "Bakit ba?" I said.

"Wala ka namang lagnat, ah? Pero bakit ngumingiti ka mag-isa kanina?" Mabilis naman siyang nag react na para bang gulat na gulat siya at napatakip ito sa kaniyang bibig, "Kailangan ka nang dalhin sa mental!" Sigaw niya dahilan para mapatingin ang ibang kaklase sa amin.

Juskong babaeng 'to, mapapahiya ako ng wala sa oras. Napaka oa talaga nito minsan.

Inirapan ko siya at lumingon kay Dhamon na ngayo'y nakangiti habang nakatingin sa akin.

"Pag pasensiyahan mo na si Ehnna, ah? Medyo may sakit kasi siya sa utak kaya ganito siya sa akin. Minsan lang naman." I said at tumawa na lang. Napansin ko namang sinamaan ako ng tingin ni, Ehnna.

Ewan ko talaga sa babaeng 'to.

Napangiti naman si, Dhamon. "Kanina pa kasi kita kinakausap, but that's fine."

"Would you mind if you join me?"

"Saan?"

"Sa cafeteria. Kakain tayo." Hesimply said at tumayo.

"Sige na! Payag ka na-" Agad ko namang pinutol ang dapat na sasabihin ni, Ehnna.

Umiling naman ako. "Salamat pero dito na lang siguro ako, tutal may baon naman ako rito. Kaya dito na lang ako kakain." Sabi ko sa kanilang dalawa, sumang-ayon naman sila sa sinabi ko kaya walang problema.

"Okay. Eat well, Lamia. I'll see you later." Sabi ni Dhamon at umalis na. Sunod na nagpaalam sa akin si Ehnna at umalis na rin.

I sighed at kinuha ang baon sa bag ko, at sinimulan na mag dasal bago kumain.

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon