CHAPTER 42: Forest Lake

86 10 0
                                    

DHAMON’S POV

Nandito kami ngayon sa malaking mansiyon ni Lollita. Lollita is my friend‚ friend of my mother and a friend of my father. She’s also a vampire who can control your mind at kahit na nasa malayo siya ay nararamdaman ka niya o naririnig mula sa kalayuan.

Three hundred four na si Lollita, mas matanda pa siya kumpara sa akin, pero wala pa rin siyang pinagbago at hindi halata sa kaniya na matanda na siya.

Napaka bata pa ng mukha niya. Ganito kasi kaming mga bampira, hindi nag babago ang itsura at hindi namamatay, namamatay lamang kami kapag natatamaan ng sikat ng araw, pero may iniinom lamang kami upang hindi kami mamatay kapag natamaan ng sikat ng araw.

Pangalawa na rin ang holy water, ikamamatay din namin ito, at ito rin ang kahinaan naming mga bampira.

Kasama ko sina Kiel, Nichole, Nate at si Mama. Na iwan naman doon si Drach para tignan si Lamia na naka kulong sa isang silid.

Narito kami sa lugar ni Lollita dahil ipinakita ko sa kaniya ang isang maliit na jar na kung saan at nag lalaman iyon ng dugo ni Lamia, narito rin ang katawan ni Dad na ngayo’y nakahiga sa isang kabaong.

Nakaramdam tuloy ako ng pagsisisi  dahil sa aking ginawa kay Lamia, pero kailangan ko talaga itong gawin dahil para sa aking Ama.

I know that I’m so selfish. I love her. so much. But I can't do anything, my Mom already blackmailed me even Nate. Kung hindi ko ito gagawin ay papatayin nila ang mga taong malalapit sa akin. Kasali na rin si Drach.

Napatahimik naman kami ng ibinuhos ni Lollita ang dugo sa bibig ni Dad. Nag hintay kami ng ilang minuto, oras, pero walang nangyari. Hindi pa rin siya nagigising.

“Hindi pa ito sapat. Kulang pa ang dugo.” sambit ni Lollita habang nakatingin siya sa maliit na jar na aking dala.

Kaya niya sinabi iyon dahil na sabi niya sa amin na kapag nakuha na namin ang dugo ni Lamia ay siya na ang bahala na mag lagay nito kay Papa upang mabuhay muli. Pero hindi pa pala ito sapat para mabuhay siya ulit at hindi pa ito sapat upang makapiling ko siya muli.

“What? why?” madiin na tanong ni Mom kay Lollita.

“Her blood isn't enough. Isa sa inyo ang papatay sa kaniya at dalhin niyo rito ang katawan niya upang makuha natin ang kaniyang dugo at mailipat sa katawan ni—” Lollita suddenly stopped talking nang marinig namin si Kiel, “He’s awake...” nang sabihin iyon ni Kiel ay ka agad kaming napatingin sa kabaong ni Dad.

Iminulat niya ang kaniyang mga mata at dahan-dahang tumayo mula sa kabaong na kay tagal na niyang nakahilatay doon.

Tumayo naman si Dad pero kaming lahat ay nanatiling tahimik.

“Ah... It’s so good to be back.” Dad said at ipinikit ang kaniyang mga mata at napabuntong hininga. “It’s time for a battle.” ani ni Dad. Lumapit naman ka agad sa kaniya si Mom at niyakap siya.

“You’re back...” Mom says, “Yes honey, I’m back.” sabi ni Dad kay Mom.

Akmang pupunta na ako kay Dad upang yakapin siya pero bigla akong pinigilan ni Lollita, kaya lahat kami rito ay na bigla dahil sa kaniyang sinabi, “Dhamon... Bumalik ka sa mansiyon niyo, si Drach, may nangyari sa kaniya.” Lollita told me.

“Nasa mansiyon si Victoria.” sabi naman ni Nichole, aalis na sana si Nichole pero pinigilan ko siya. “You’re not going. Stay here.”

“Nakatakas si Lamia, tinakas siya ni Victoria. Kailangan nating bumalik ngayon din, hindi natin hahayaan na makalayo sila—” pag sasalita ni Nate pero pinigilan siya ni Dad.

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon