CHAPTER 46: She's Gone...

98 8 0
                                    

Habang nag lalakad kami sa hallway, ang mga nadadaanan namin ay puro mga duguang katawan ng mga estudyante. I feel so sorry for them, paano kung may pamilya sila na hinihintay silang umuwi? pero ang totoo ay wala na talaga sila at pinatay ng walang dahilan.

Nangungunang nag lakad sina Ehnna at Basilius, at nasa likuran nila kami at katabi ko ngayon si Vandran.

Nag mamadali rin silang nag lakad kaya nag mamadali rin ako, ang bilis ng bawat hakbang nila halos hinihingal na rin ako. Na para bang may humahabol sa amin kaya nag mamadali kaming mag lakad. Nangangalay na rin ang mga binti ko.

“Ano ba gagawin natin sa library?” hingal na tanong ko kay Vandran. “You’ll see.” sagot niya sa akong tanong habang hindi niya ako nililingon.

Sa bawat apak namin, ang nadadaanan namin ay mga bangkay. Hindi ko rin maiwasan mapatingin sa mga katawan nilang duguan. Hindi ko rin alam kung bakit ito ginawa ni Nate, hindi ba siya naaawa sa mga estudyanteng ito na walang ka alam-alam sa nangyari? alam kong mga inosente sila, pero pinatay sila ni Nate.

Pati na rin si Ma'am Lanikan...

She's dead. Hindi ko man lang siya nakausap sa huling pagkakataon, hindi ko siya naiyakap sa huling pagkakataon, pati na rin ang mga kaklase ko.

Alam ko ring may iba pang dahilan si Nate kung bakit niya ito ginawa sa mga estudyante na pinatay niya.

Nasa harapan na namin ngayon ang pintuan ng library, bubuksan na sana ito ni Ehnna pero naka lock ito. “It’s locked.” she said habang nakahawak siya sa doorknob at pinipilit niya itong buksan pero ayaw talaga.

Sumingit naman si Basilius, “Let me...” sabi niya kay Ehnna, kaya tumabi si Ehnna at hinawakan naman ni Basilius ang doorknob.

Pero nabigla naman ako dahil malakas niyang sinipa ang pintuan dahil sa ginawa niya ay nabuksan ang pintuan. Unang pumasok si Basilius at sumunod naman kami sa kaniya.

Mabilis kaming nag lakad at pumunta sa mga shelves. Kinuha ni Basilius ang kaniyang cellphone at ganoon din ako para buksan ang flashlight namin.

Nag mamadaling nag hanap sina Vandran, Basilius at Ehnna sa isang bagay na hindi ko alam kaya tinanong ko sila, “Anong hinahanap niyo?” I asked them.

“Isang libro.” sagot ni Ehnna sa aking tanong habang hindi niya ako nililingon at patuloy lang siya sa pag hahanap kasama sina Basilius at Vandran.

“Anong libro?” tanong ko ulit sa kanila habang hawak-hawak ko ang aking cellphone para bigyan sila ng ilaw.

Tumigil naman si Vandran sa pag hahanap at tumingin sa akin. “Isang libro para matalo natin ang Ama ni Dhamon.” he answered.

“Imposible namang mahahanap natin iyon, ang dami-daming libro rito sa library—” but Basilius cut me off, “Mahahanap natin iyon.” sambit niya kaya napatahimik na lang ako.

Ilang minuto rin kaming nag hahanap hanggang sa naabutan na kami ng isang oras ay nag hahanap pa rin sila samantalang ako ay binibigyan sila ng ilaw gamit ang cellphone ko at ang cellphone ni Basilius.

Bigla naman silang tumigil sa pag hahanap kaya nag taka ako, “Bakit? hindi niyo ba na hanap?”

Umiling silang tatlo sa sinabi ko.

“He’s here.” Vandran says, hindi ko na rin alam kung ano ang tinutukoy niya. Gusto ko ulit mag tanong kung sino ang tinutukoy niya, kaso parang ang dami ko na atang tanong. Kaya sumunod na lang ako sa kanila nang mag lakad sila papuntang counter table.

Sobrang dilim ng library, naramdaman kong parang may sumusunod sa amin kaya sa sobrang takot at kaba ko ay napahawak ako sa braso ni Vandran. But he stopped walking, kaya napatigil din ako sa pag lakad. “What are you doing?” tanong niya sa akin habang nakatingin siya sa kaniyang balikat kung saan ay nakahawak ako roon.

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon