“Lamia!” Sigaw sa akin ni Ehnna nang makalabas na ako sa gubat kasama si, Dhamon.
Nagsisisi tuloy ako— kung bakit pa ako pumasok sa gubat na ’yon. Kitang-kita ko ngayon sa mukha ni Ehnna na nag-alala nga talaga siya sa akin.
Katabi naman ni Ehnna si Basilius na nakatingin din sa akin.
Hinahagod naman ni Ehnna ang aking likuran habang nakayakap siya sa akin nang mahigpit. “Ano ba ang nangyari sa ’yo? Saan ka ba kasi nag punta? Alam mo bang nag-alala kami ng sobra sa ’yo? Paano kung pumasok ako sa gubat? Hindi ko alam kung paano ka hahanapin doon kapag nakapasok ako sa gubat na ’yan—” Kumawala naman ako sa yakap ni Ehnna kaya napatigil siya sa pag salita at tumingin sa aking mga mata.
“I’m fine... I— I’m just lost— do not worry...” I faked my smile after that.
Napahilamos naman si Ehnna gamit ang mga palad niya. “Gago ka ba? Anong don't worry? Jusko ha, halos nabaliw na kami kakahanap sa ’yo. Grabe ka, 'te.” Seryosong sabi niya pa sa akin.
Bigla namang dumating sina Ma'am Lanikan at kasama niya pa sina, Whienne, at Vortigern. Nasa harapan ko silang lahat. Sina Basilius, Vortigern, Whienne, Dhamon, Si Ma'am, at si Ehnna.
“Saan ka ba nag punta, Lamia Jane? We are so worried about you.” Nag-aalalang sabi sa akin ni, Ma'am. “Bakit ka ba umalis sa campground at pumunta jan sa loob ng gubat? Hindi ka nag paalam sa amin.” She added.
I remained silent.
“Where did you go? Bakit ka lumabas ng walang paalam kay Ma’am Lanikan? Alam mo bang delikado ang lumabas kapag madaling araw?” Singit naman ni, Whienne. “Mabuti na lang talaga at nahanap mo itong si Lamia, Dhamon.” Sabi naman ni Ma’am kay Dhamon na ngayo'y katabi na niya.
Natahimik naman kaming lahat dito at habang ako naman ay nakatulala pa rin sa nangyari at sa aking nakita kanina.
I don’t know what's happening anymore.
What the fuck.
Si Nate... I can still remember his face.
The werewolf also.
Werewolves are real and Vampires are real... They're both real!
Shit talaga o.
Pinalakpak naman bigla ni Ehnna ang kaniyang mga kamay na malapit sa aking mukha kaya natauhan ako dahil doon. “What happened? May nangyari bang masama sa 'yo? Tell me.” She asked me habang hawak-hawak niya ang aking magkabilang balikat.
I shook my head.
Napalingon naman ako kay Ma'am na napabuntong hininga, sinabi niya naman sa amin na huwag nang ipagkalat ang nangyari ngayon dahil wala na raw dapat kaming ipag-alala pa dahil nakita na raw nila ako. Kung sakaling maikalat pa ’to, baka mas lalo pa raw lumala at baka kung ano-ano pa ang masabi ng mga ibang estudyante.
Marami kasing Marites sa school namin e.
Mabuti na lang din at nang makabalik kami sa campground ay tulog pa ang mga kaklase ko.
Kami lang ang nakakaalam sa pangyayari ngayon.
It’s five thirty-two AM. Malapit na sumikat ang araw. Medyo humahapdi rin kaunti itong mga mata ko, siguro dahil sa kulang ako ng tulog ngayong araw. Kung hindi lang sana ako pumasok sa gubat na ’yon edi sana— masarap tulog ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Saved By The Alpha (COMPLETED)
Science FictionShe is the girl with the pure and virgin blood. A Man wants to obtain her blood before the full moon and bring it to his Father who has been sleeping for one hundred years and he needs pure and virgin blood to reawaken. Then, a stranger arrives, pro...