CHAPTER 25: Help

98 12 0
                                    

Uwian na at agad ko namang nililigpit ang mga gamit ko, ganoon na rin si, Ehnna. I put my other things in my locker at bumalik ulit sa upuan ko para ipasok ang mga ibang gamit ko sa locker.

After I put my things in my backpack, inangat ko ang aking tingin at sakto naman at nasa harapan ko si, Dhamon.

“Hey... I would like to say sorry for what I did kanina.” Paninimula niya naman.

Ngumiti naman ako sa kaniya.

“Wala ’yon. It’s fine, bakit ka ba nag so-sorry? Huwag mo nang isipin ’yon.”

“I thought you are mad at me—”

I was about to speak nang sumingit naman si Ehnna sa usapan namin.

“May nangyari ba sa inyo kanina? Nag away kayo, 'no?” Singit niya kaya parehas kaming napatigil ni, Dhamon.

“Nag-usap lang naman kami kanina. ’Yun lang.” Seryosong sagot ko sa kaniya.

Dahan-dahan naman siyang napatango sa sinabi ko, “Ah... Akala ko may something na sa inyo e.” Sabi niya pa kaya napailing na lang ako at ibinalik ang tingin kay Dhamon na ngayo’y sobrang seryoso.

He looked at me suddenly, “Anyway, I have to go. I’ll see you tomorrow, Lamia.” He smiled and he waved his hand at me. Kumaway naman ako pabalik sa kaniya hanggang sa makalabas na siya nang tuluyan sa classroom namin.

Isinuot ko na rin ang itong bag ko at sakto naman at nahagip ng aking tingin si Vandran na lumabas sa classroom, at kasabay niya naman sina, Basilius, Vortigern, at Whienne.

Palagi talaga silang mag kasama.

Hindi naman sa bini-big deal ko pero— may kakaiba sa kanilang apat e. Parang ayaw na talagang mag hiwalay.

Dudang-duda talaga ako sa kanila. Parang may mali sa kanilang apat e.

"He wants your blood.”

I suddenly remembered how Vandran said that. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Dapat kasi may sasabihin pa siya e, pero bigla namang sumingit si Dhamon kaya hindi na natuloy ni Vandran ang dapat niyang sasabihin.

Napaigtad naman ako dahil biglang pinalakpak ni Ehnna ang mga kamay niya sa harapan ng mukha ko. “Anong nangyayari sa iyo? Kanina pa kita tinatawag. Akala ko pa naman nakikinig ka sa mga sinasabi ko.” She told me. “Tulala ka na naman, baliw ka na ba?” Dagdag niya pa kaya natawa naman ako dahil doon sa sinabi niya.

Tinampal ko naman siya ng mahina sa kaniyang balikat, “Loko ka talaga sa ’kin kahit kailan. Tara na nga, alis na tayo.” Sabi ko naman sa kaniya at tinulak siya ng mahina.

Bago kami lumabas sa classroom ay nag paalam na muna kami kina Cath at Julia lalo na rin sa mga ibang kaklase namin.

At habang nag lalakad naman kami ni Ehnna sa pasilyo ay biglang pumasok sa aking isipan ang nakita ko kanina sa library.

Sixtine Igoleciano

Sino ka ba talaga?

Gusto ko malaman kung bakit siya namatay, bakit siya naging ganoon, at kung ano ang sanhi ng pagkamatay niya.

Alam kong may rason kung bakit siya nag pakita sa akin dati. Sigurado akong hindi ako nag ha-hallucinate. Totoo talaga ’yon at siya ’yon. Hindi ako namamalik mata.

Lumipat naman ang aking tingin kay Ehnna na ngayo’y nakatingin lang sa dinadaanan namin ngayon. I poked her kaya lumingon siya sa akin, “Hmm?"

“May...” I stopped at napakagat sa pang-ibabang labi ko. “May kilala ka bang Sixtine Igoleciano?" Mabilisang tanong ko sa kaniya.

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon