CHAPTER 49: The Battle

175 8 0
                                    

“I love you, Lamia Jane.”

Matapos sabihin sa akin ni Vandran iyon ay hinalikan niya ako sa aking pisngi. Kaya dahil doon ay dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata.

Nakaupo pa rin siya sa aking bandang paa at nakatingin ito sa akin. Napakunot naman ang aking noo ng tinitigan niya ako ng matagal. “Why did you do that?” seryosong sabi tanong ko sa kaniya

“What?” pabalik niyang tanong sa akin na para bang wala siyang alam sa nangyari.

Inayos ko naman ang aking posisyon at sumandal sa headboard ng kama. Hindi ako sumagot sa kaniyang sinabi at tinitigan ko lang siya, ilang minuto rin ang nag tagal nang mag ti-tigan kaming dalawa hanggang sa nag salita siya, “You are just pretending. Hindi ka naman talaga tulog o baka matutulog ka pa lang? na istorbo tuloy kita.” he told me seriously.

Bigla niya namang inilapit ang kaniyang mukha sa akin kaya lumayo ako sa kaniya. “Hoy! ikaw! kung maka asta ka naman akala mo mag kasintahan tayo. E hindi ko pa nga kilala ang buong pagkatao mo e!” malakas na sambit ko sa kaniya.

Because of what I did, inilayo niya ang kaniyang sarili sa akin at napayuko siya at napatawa ng mahina. Aba, baka may sakit siya sa utak.

Inangat naman ni Vandran ang kaniyang tingin, “Alam kong dito galing si Dhamon. You okay?” he asked me.

I nodded.

Bigla namang hinaplos ni Vandran ang aking ulo at tumayo siya mula sa pagkaupo sa kama. “Matulog ka muna. Sleep well.” nakangiting ani niya. Umalis na rin siya sa aking harapn at lumabas sa silid na ito.

Kahit na ako, nalilito sa inaasta niya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. Minsan sweet siya, minsan hindi, minsan seryoso, ang dami niya namang personalities.

He likes me, pero hindi ko lang talaga alam kung ano ang totoong nararamdaman ko para sa kaniya. Kinakabahan na rin ako sa mangyayari bukas, alam kong may mangyayari bukas, tumatak talaga sa aking isipan ang sinabi ni Mr. Cliova kanina na kinakailangan naming mag handa para bukas.

Huminga naman ako ng malalim at humiga muli, tinakpan ko ang aking buong katawan ng kumot at napatitig sa kisame.

Sana pala ay hindi ko ka agad tinaboy si Dhamon kanina, dahil alam kong may sasabihin siya pero dahil sa emosiyon ko, tinaboy ko siya. Dahil na rin sa galit ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa akin noong ikinulong nila ako sa isang silid.

Na para bamg nakokonsensiya ako sa ginawa ko kay Dhamon kanina, pero napapaisip din ako na deserve niya iyon dahil isa siyang demonyo.

Sa sobrang dami ng iniisip ko, ipinikit ko na lang ang aking mga mata at natulog.

Dahil umaga na ako nagising, maaga rin akong kumain dahil sobrang haba ng tulog ko at hindi ako nakakain ng hapunan. Sinabihan ko si Papa na sa bahay na lang kami kakain, pero pinigilan kami ni Mr. Cliova at sinabihan niya kami na dito na lang kami sa kanila kakain.

Kaya hindi na lang kami tumanggi ni Papa at sinaluhan sina Mr. Cliova kumain kasama sina Vandran.

Masaya kaming kumain, sobrang saya nila habang kumakain pero ako naman ay nanatiling tahimik at walang imik. Alam kong na pansin nilang lahat ’yon pero nag patuloy na lang ako sa pag kain hanggang sa ako ay na tapos at ganoon din sila.

Pagkatapos naming kumain lahat ay bumalik kami sa aming mga gawain. Si Papa naman ay sumama kay Mr. Cliova dahil may gagawin daw sila. Sina Victoria, Whienne, Basilius at Vortigern ay umalis din, kasama na rin nila si Vandran. Pero hindi ko rin alam kung saan sila nag punta, hindi ko na rin sila tinanong kung saan sila pupunta.

Saved By The Alpha (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon