Chapter 10

93 12 0
                                    

" Balak ko na mag resign."

Nakayuko si Ariyana habang sinasabi iyon saaming tatlo. Hindi ako makakapayag na aalis siya, may misyon kami, hindi dapat kami bubuwag, dapat matalo namin ang demonyong mga gobyerno na ito.

" Ariyana, hindi pwede. May kailangan pa tayong tapusin, hindi ba? Sinabi natin na tatapusin natin ito?" Hinawakan ko ang braso ni Ariyana, sinubutan niya ang sarili niya, napabuntong hininga naman sina Maki at Alaia, siguro ay natatakot siya.

Umiling siya sa sinabi ko, nakita kong unti unting tumulo ang luha niya.

" Ang Lola at Lolo ko, namatay, dahil doon sa inumin sa gripo, sabay silang namatay, Chandria. Masama akong tao kasi nandito ako sa Palasyo, na sinusunod ko ang gusto nila, kaya ayan ang napala ng pamilya ko." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ariyana, nakita kong nakatingin lang saamin si Maki at Alaia, baka alam na nila.

" Kailan  pa? Bakit hindi mo kaagad sinabi saakin?" Nauutal na tanong ko sa kaniya, tumingin siya saakin.

" Kanina lang, kanina ko lang nalaman, hindi ko alam kung paano sila nakainom doon, pinagbawalan ko sila, pero bakit ginawa parin nila? Ngayon, wala na sina Lolo at Lola ko." Hinagod ko ang likuran niya, nagbigay naman ng tissue si Maki sa kaniya.

Napalunok ako.

" Kaya ba magreresign ka na? Anong sasabihin ng amo mo sa iyo, baka mamaya ay ipasunod ka pa sa mga tauhan niya." Alalang tanong ni Alaia kay Ariyana.

" Oo, gusto ko na makaalis dito. Demonyo ang mga nandito, Chandria, sila mismo, Gobyerno mismo ang pumapatay sa mga tao sa bansang ito." Tumayo ako mula sa kinauupuan ko, at saka ako tumakbo papunta sa opisina ni Mr. Saldua.

" Chandria!" Sigaw nila saakin pero hindi ko sila pinansin.

Nakakuyom ang mga kamay ko habang tumatakbo ako papunta sa opisina ni Mr. Saldua. Sobra na sila!

Padabog kong pinihit ang pintuan at saka ako tumingin kay Mr. Saldua.

" Mr. President, this is too much! The death rates and records is not normal anymore, hindi na tama. Sigurado ka bang wala kang alam dito?" Galit na tanong ko sa kaniya, nagtaas siya ng kilay at saka siya tumitig saakin, tinignan ko ang mga mata niya, matapang akong nakipag titigan sa kaniya.

" What are you talking about?" Kalmado lang siya sa pagsasalita sa harapan ko.

" My friend, Ariyana. Her grandparents died dahil lang sa pesteng tubig na iyan na nanggagaling sa mga gripo, sino ba talaga ang gumagawa nito, ha? Bakit ganito?" Tumayo siya sa kinauupuan niya, nakaramdam ako ng takot, baka kung anong gawin niya saakin.

Inayos niya ang coat niya at saka siya tumingin saakin.

" Hindi ba pinaayos ko na? Kaya nga nagpatawag ako ng press con? Ano pa ang gusto mong gawin ko-"

" Noong araw na nadatnan niyo ako sa pintuan na iyon, may nag uusap sa loob niyon, sinabi nila saakin na nasa iyo daw at nandito sa opisina mo ang uri ng gamot na nilalagay sa tubo ng mga pinagkukunan ng tubig, where is it, Mr. President? Why can't you show it to me, huh?" Naguguluhan siyang tumingin saakin, mas lalo siyang lumapit.

Alam kong mali ang ginagawa ko, at alam kong mapapatalsik ako sa trabaho nito, pero nakasalalay sa buong tao ang gagawin ko, kung magbubulag bulagan lang ako sa ginagawa ni Mr. Saldua at kung sino pa ang may pakana nito.

" Mas pinaniniwalaan mo sila kaysa sa amo mo? Kaysa sa akin?" Tumango ako.

" Yes. Kung mas nagsasabi sila ng tama kaysa sa iyo, mas paniniwalaan ko sila, dalawa lang iyan, Mr. Saldua. Sila ang sinungaling kung wala kang maipapakita. Sinungaling ka kung ako mismo ang makakahanap niyon." Lumunok siya.

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon