Chapter 38

46 4 0
                                    

" 50, 000 deaths this hour. Fuck it."

Ani Maki kaharap ang kaniyang laptop. Tumayo ako kaagad.

" Gusto kong tignan kung anong nangyayari sa mga vaccination sites. Saan ba ang may malapit na vaccination site dito?" Takang tanong ko, napailing naman sila sa sinabi ko, hinila ni Maki pabalik ang kamay ko at paupo sa upuan ko.

Tinignan ako ni Alaia.

" Chandria, it's too dangerous. Ngayon na nalaman nating robots nga ang gumagawa ng mga ito, paano natin sila malalabanan? Paano natin sila matatalo? Automatic sila, kusang bumabaril ang mga bakuna sa mga tao, kaya mas maigi pa, ang unahin natin ay evacuate ang mga taong hindi pa nababakunahan." Ani Alaia. Napakamot ako sa aking ulo, tinignan ko ang laptop ko na may chart kung saan ipinakikita ang mga death rates ngayong araw.

" Tama si Alaia, Chandria. Baka kapag tapak mo palang doon sa site ay babarilin ka kaagad ng bakuna, edi namatay ka kaagad." Pananakot ni Ariyana, hinawakan ko kaagad ang aking braso sa sinabi  niya.

" Sino daw ang nagpapagana ng mga robots na iyon? At bakit hindi matigil?" Tanong ko sa kanila.

" Hindi namin alam. Walang nakakaalam, pero ang iba ay napatumba na ng mga Pulisya, ang ibang mga robots sa malalayong lugar nalang ang wala pa at pinoproblema natin ngayon." Paliwanag ni Maki, bumuntong hininga ako.

" May kilala ba kayong mga Government Officials na marunong mag set up ng robots at iba pang electronics na bagay?" Nagkatinginan silang tatlo sa harapan ko, at sabay sabay din silang napakibit balikat.

" Wala e. O baka naman may koneksiyon ang isang opisyal na iyon at nagpagawa siya ng mga robots, at siya din ang may hawak ng remote at power ng mga iyon?" Napatigil ako.

" Mukhang alam na alam nang nagko control ng robots na iyon na ganoon dapat ang disenyo para sa bakuna. Sa tingin niyo, sino ang nakakaalam ng tungkol sa bakuna?" Pagiisip naman ni Maki. Tinignan ko silang tatlo.

" Sinabi saakin ni Leandro na may gumaya daw ng pirma niya at nagpadala ng letter sa mga Scientist para umpisahan na ang pagbabakuna sa mga tao." Napahawak si Ariyana sa bibig niya, kaya naman nagtaka ako doon.

Nagtaas siya ng kamay niya.

" Sino ba ang palaging nakakatanggap ng mga papel na may pirma niya? Sino ba ang mas malapit na Government Official na may galit kay Sir Leandro at may kayang gumawa nito sa kaniya at sa mga tao niya?" Nakatulala si Ariyana habang sinasabi iyon sa amin.

Nagtaas naman si Maki ng kamay niya.

" Si Ms. Lazatin, na nagpa ambush noon kay Mr. Saldua sa loob ng palasyo, baka siya din ang may gawa nito? Alam niyo naman na matalino ang babaeng iyon, hindi niya nga lang ginagamit sa tamang paraan ang utak niya." Tumawa sina Alaia at Ariyana sa sinabi ni Maki, napahinga naman ako ng malalim sa kaniya.

Agad kaming natigil nang biglang pumasok si Jacob, Gil, at Alec sa pintuan, ngumiti kami sa kanila.

" May bagong labas na reports."

Nag meeting kaming pito sa kung anong problema ng bansang ito, hindi na namin inabala pa si Leandro na baka sa oras na ito ay gumagawa na din ng paraan at busy sa opisina niya. Nagbatuhan kami ng ideya, at nag brainstorming kaming pito, hanggang sa makagawa kami ng plano na tanging kami lang ang gagawa at makakagawa niyon.

" Kumain muna kayo, bago kayo umuwi. Pasensiya na natagalan, masyado kasing marami ang niluto namin." Binigyan ko isa isa ng plato ang mga tauhan ni Leandro na nakapila sa harapan ko, sila na ang bahalang kukuha ng gusto nilang kainin, nag aabot lang ako ng plato, kutsara, at tinidor. Sina Ariyana naman ay nakabantay sa mga pagkain at sina Alaia naman ay nagbibigay ng baso at nag aabot ng juice at tubig sa kanila. Mamaya na ako kakain, kahit na nakakaramdam na din ako ng gutom ay tinitiis ko muna, mas maiging mauna na ang mga tauhan niya.

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon