Chapter 56

39 2 0
                                    

" A contract?"

Tanong ko kay Leandro na may hawak na envelope sa kamay niya, inilapag niya ito sa lamesa kung saan ako nakaharap at nakaupo. Tinitigan ko lang ito.

" Yes, Chandria. This is a contract, you have to sign this if you want to get back here." Ani Leandro. Tumango ako, kinuha ko ang kontrata sa lamesa at saka ko ito binuksan.

Contract for Chandria Marina Valderama.

Napalunok ako.

" I need some time to think, Leandro, hindi ako makapag desisyon ngayon." Paliwanag ko sa kaniya, tumingin akong muli sa kontrata na hawak ko, ibinalik ko ito sa envelope, mamaya ko na babasahin kapag may oras na ako.

Hinawakan ko ang bag ko, at saka na ako tumayo para aalis na ako.

" I can wait. Ako na muna ang gagawa ng mga trabaho-"

" Where's Gil?" Takang tanong ko.

" I fired him." Maikling sagot niya. Napatango naman ako sa sinagot niya.

" I need to think, I just have to read this and inform you." Naglakad na ako papunta sa pintuan, at saka ko ito pinihit.

Kinakabahan parin ako kahit na hindi na masyadong pormal ang aming pag uusap.

" I can wait, Chandria." Ngumiti ako.

" Thank you." Sabay kaming naglakad palabas ng meeting area, binabati ako ng mga nakakasalubong kong kilala kong mga tauhan dito.

" Chandria!" Sigaw ng isang kasamahan ko noon na maglakad ng mga papel, agad niya akong niyakap, at saka niya ako pinaikot ikot. Tumawa naman ako.

" Nakakamiss ka! Balik ka na dito! Miss ka na namin!" Masayang sambit niya sa harapan ko habang patuloy parin sa pag ikot ikot saakin.

" Hayven, stop doing that." Ani Leandro at saka hinarang sa gitna naming dalawa ang kaniyang kamay, para matigil ang ginagawa niya saakin.

Napahawak ako sa uniporme ni Leandro nang maramdaman ko ang hilo ko. Ngumiti parin ako.

" Kita tayo ulit, doon tayo mag usap, ha? Aalis na ako!" Sabi ni Hayven at saka na siya umalis sa harapan namin.

Tinignan ni Leandro ang kamay kong nakahawak sa uniporme niya, nahilo ako kaya humanap ako ng balanse baka kasi matumba ako, kaya ganoon. Hinawakan ni Leandro ang palapulsuhan ko, at saka niya ako tinitigan sa mga mata ko.

" Ayos ka lang? Maupo ka muna kaya?" Tanong niya.

" I'm fine. Baka hinahanap na ako ni Jacob." Naglakad kaming dalawa muli at hinanap ang mga kasamahan ko na hindi ko alam kung nasaan na nagpunta.

Nagtagal kaming mahanap sila hanggang sa nakita namin sila sa isang bench at naguusap usap, hindi nila ako kaagad nakita.

" How are you? Maayos ba ang turing nila sayo?" Nilingon ko si Leandro sa tanong niya saakin, nahinto kami sa paglalakad, may ibang kausap ang mga kasama ko, nakakahiya naman kung sisingit ka.

Tinignan ko siya.

" Yeah, super. Close na close na kami ng mga iyan, kaya walang problema sa kanila." Nakangiti ako habang nakatingin kina Ariyana at Alaia na nakikipag kwentuhan sila sa mga naroon na ibang tauhan dito.

Nakakamiss dito sa palasyo, gusto kong bumalik.

" That's nice. Mabuti naman at maayos ka sa kanila habang kasama sila-"

" How about you? Are you fine?" Umiling siya sa sinabi ko.

" My other relatives died because of the failed vaccine." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Humarap ako sa kaniya, at saka ko siya hinila papunta sa opisina niya.

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon