" Excited akong ayusin ang bagong opisina ko, pwede daw ayusin at ire-form ang opisina namin."
Sumasayaw pa sa saya ang mga kaibigan ko habang kinukwento saakin ang pinagusapan nila ni Leandro kanina bago kami makauwi, napakamot ako sa ulo ko.
" Iniisip ko nga na gawing mas aesthetic ang opisina ko, para makaakit ako ng mga officials." Ani Alaia sa harapan namin, mas lalong sumakit ang ulo ko sa sinabi niya, at saka ko siya kinusilapan.
Tumingin ako kay Maki.
" Nakilala ko na ang bagong vice president, kaya pumayag ako na magsisimula na bukas." Balita naman saamin ni Maki, tumango kami sa sinabi niya.
Nagtaas ng kamay si Alec.
Tinignan namin siya.
" Ako din, start na daw ako bukas dahil kailangan na ako sa palasyo." Ngumiti ako, halos bukas ay magsisimula na silang magtrabahong muli, masaya ako kasi triple ang sahod nila, kaya malaki laki ang maiipon nilang pera sa susunod na mga buwan.
Hindi ko ipinakita sa kanila ang kontrata, ako at si Leandro lang ang nakakaalam na may ganoon sa usapan namin, ayaw ko talagang ipakita dahil ayaw kong masira ang kasiyahan nila, kapag kasi ipinakita ko pa ay mag aalala sila saakin, gusto kong sumaya lang sila at maexcite dahil babalik na silang lima sa palasyo bukas.
Ako lang ang matitira dito sa bahay bukas.
" Chandria, doon na daw ba si Jacob hanggang mamayang gabi?" Bumalik kasi si Jacob sa palasyo nang maihatid niya kami dito sa bahay ko, nagkibit balikat ako.
" Hindi pa siya tumatawag, sabi niya tatawag siya saakin kanina." Tumango sila.
Umakyat na ako sa kwarto ko para maglinis ng katawan. Nilabas ko muna ang mga gamit sa bag na ginamit ko kanina dahil magpapalit ako ng bag bukas. Inilabas ko lahat ng laman. Inilabas kong muli ang kontrata na nasa isang envelope.
Contract for Chandria Marina Valderama.
Babasahin ko pa ba ito?
O pipirma na ako kaagad?
Ibinuklat ko lahat ng papel na kasama sa envelope at saka ko ito binasa. Mabilis akong magbasa kaya naman natapos ko ito kaagad. Walang nakalagay na magiging sahod ko, pero nakalagay kung ilang taon magiging effective ang kontrata.
Dalawang taon.
Sa ibaba ng pinakahuling papel ay ang pangalan ni Leandro na may pirma na, at sa katabi nito ay ang pangalan ko na blanko pa at wala pang sulat o pirma. Napatitig ako doon, pipirma na ba ako?
" Ito ang isusuot ko bukas, Chandria, tignan mo nga, bagay ba?" Umikot saakin si Alaia at saka niya ipinakita ang damit na hawak hawak niya, isang kulay puti na dress at saka puff ang style. Hanggang tuhod lang ang haba nito, at saka kita ang cleavage niya kapag sinuot niya ito.
" Bagay mo naman. Bagayan mo ng kulay black or white na stilleto tapos white na bag." Kinuha ko ang black na stilleto na nakuha ko sa shoe rack at saka ko ito iniabot kay Alaia. Ngumiti naman siya saakin.
" Chandria, tignan mo naman itong saakin." Singit naman ni Ariyana na may bitbit na kulay grey na silk skirt at kulay white na long sleeve na croptop, tumango ako sa ipinakita niya.
" That's nice, bagayan mo ng color white na sandals at saka white na bag." Suhestiyon ko sa kaniya, tumango siya saakin.
Babalik na sana siya sa closet niya nang huminto siya at nagtatakang tinignan ako.
" Bakit ikaw pala? Tinanggap mo ba ulit ang posisyon? O hindi pa?" Tanong nila saakin, umiling ako. Nakita ko ang disappointment sa mukha nila.
" Hindi pa. Pinag iisipan ko pa pero babalik naman ako." Nabuhay ulit ang mga mata nila sa sinabi ko, at saka sila ngumiti saakin.
BINABASA MO ANG
The President's Killer Mind
RomanceChandria Marina Valderama is a Presidential Secretary of Mr. President Leandro Saldua. Isa siyang magaling na sekretarya. Siya na ata ang Sekretarya na hihilingin nang kungi sino. Ginagawa niya ang trabaho niya nang may puso, tiyaga, at pagmamahal...