" Wow, this is so nice. Mukha akong mayaman sa suot ko."
Puri ko sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang aking sarili. Branded ang mga bag at sapatos na ibinigay ni Mr. Saldua saakin, kahit na ang dress ay mahal din, hindi ako makapaniwala na mayroon na akong ganitong bagay.
" Yes?" Sagot ko sa tawag ni Mr. Saldua sa akin.
" Naisend ko na ang address sayo. Hintayin mo ako doon." Nakatingin ako sa aking salamin. Ready na akong umalis, kukuha lang ako ng ilang litrato para makaalis na ako.
Syempre kailangan kong kumuha ng litrato, malay ko ba na ipapahiram lang saakin ito. Baka bukas ay kukunin na saakin.
" Yeah. I will surely do that, Mr. President." Ani ko.
" Can you send me a picture of you wearing the dress?" Nagtaas ako ng kilay ko sa harapan ng salamin. Kailangan bang magsend pa ako para lang maicheck niya kung suot suot ko ba o hindi?
Kumusilap ako.
" Yeah. Sure. I'll send, later." Ani ko.
" Take care, Chandria." Pinatay ko ang aking linya at saka na ako kumuha ng magagandang litrato, at saka na ako umalis.
Kotse ko din lang ang gagamitin ko, wala naman akong ibang kasama. Alam ko kung saan ang pupuntahan ko. Nakita ko na kung saan ang address ang sinend niya saakin. Parke siya. Alam ko kung saan iyon, kaya madali nalang akong makakapunta sa lugar na iyon.
Nagpark ako sa parking lot, of course. At saka na ako naglakad papunta sa mga benches. Park tapos naka dress ako? What's the matter.
Laking gulat ko nang makita ko si Ms. Lazatin sa lugar kung saan din ako pupunta. Nagkalat ang kaniyang mga bodyguard. Ngumiti siya saakin nang makita niya ako. Nakita ko din si Maki na medyo nakalapit kay Ms. Lazatin, ngumiti siya saakin.
" Oh, Ms. Valderama, nice to see you here." Bineso beso niya ako at saka siya ngumiti nang matapos siya.
Napapalunok naman ako sa nakikitang pagbati niya saakin, bakit bigla siyang bumait? At nasaan na si Mr. Saldua?
" Bakit po kayo nandito, Ms. Lazatin?" Ani ko.
" I am here to say sorry, Chandria. Sa mga nagawa ko. And please, can we drop the formalities, just this time?" Nakangiti siya saakin, napapataas naman ako ng kilay sa kaniya. Hindi talaga ako sanay na mabait siya saakin.
E hindi nga mawala ang init ng ulo niya kahit dumampi lang ang tingin niya saakin.
Ano kayang nakain niya?
" Hindi niyo naman po kailangang humingi ng tawad, Ms. Lazatin. Alam ko naman po na stress kayo at talaga naman pong stressful ang trabaho ninyo. Sanay na din po ako, kaya ayos lang naman saakin." Nakangiti kong saad sa kaniya. Niyakap niya ako, at saka siya ngumiti saakin.
Hinawakan niya ang aking kamay.
" Let me hear you accepting my apology, Chandria. Ayaw ko ang okay lang, hindi ko alam kung okay ba talaga sayo kung ganiyan ang isasagot mo saakin." Ani Ms. Lazatin.
" Apology accepted, Ms. Lazatin. Ayos lang po talaga saakin." Ngumiti nanaman siya. Tumingin siya sa relo niya at saka niya nilingon si Maki.
" Okay, I have to go, may meeting pa kasi ako, mag iingat ka pauwi, ha? May kikitain ka pa bang iba?" Tanong niya.
Tumango ako at saka ako lumunok.
" Sino?" Tanong niyang muli.
" Si Mr. Saldua." Sagot ko.
Nagpaalam na siyang aalis na. Lahat ng guards niya ay umalis na, kasama siya. Kumaway siya sa akin bago siya pumasok sa kaniyang sasakyan. Napatulala ako ng ilang saglit. Bakit kaya ang bait niya saakin? Seryoso kaya siya sa pagsosorry niya? Well, baka malay mo naman, seryoso talaga siya.
BINABASA MO ANG
The President's Killer Mind
RomansaChandria Marina Valderama is a Presidential Secretary of Mr. President Leandro Saldua. Isa siyang magaling na sekretarya. Siya na ata ang Sekretarya na hihilingin nang kungi sino. Ginagawa niya ang trabaho niya nang may puso, tiyaga, at pagmamahal...