Chapter 59

36 2 0
                                    

" Cheers!"

Sigaw ng mga dating kasamahan ko, pinayagan kaming uminom, sa loob ng palasyo, hindi ba parang weird?

" Mabuti at bumalik si Chandria!" Sigaw naman ng isa pa. Tumawa naman ako sa sinabi niyang iyon, tuwang tuwa talaga sila na nakabalik na ako.

Ang iba ay nagpadeliver pa ng pagkain para lang salubungin ang pagbabalik ko, sinabi ko na hindi naman dapat sila maghanda kasi hindi pa ako magsisimula sa trabaho ngayon, pero umalma si Leandro at sinabi na mag celebrate daw ngayon, at magpapahanda din daw siya sa unang pasok ko ulit, kaya nasiyahan silang lahat, ayan at naghanda na nga.

" Babalik talaga ako, dito na ako titira ulit sa palasyo kasama niyo." Biro ko sa kanila, mas lalong lumakas ang tawa nila sa sinabi ko, nilalagyan nila ang baso ko ng champagne pero hindi naman ako umiinom, kaya hindi ko lang pinapansin.

Bumaling ang tingin ko kay Leandro na may kausap sa telepono sa labas ng pintuan.

Sino kaya iyon?

" Kayo pa ba ni Sir Leandro? E halos first lady ang tawag sayo e." Natigilan ako sa sinabi ng isa sa amin, ngumiwi ako at saka nilagok ang champagne, para iwasan ang tanong niya.

" Wohooo!" Sigaw nila nang inumin ko iyon, hindi naman talaga ako palainom, alam iyan ng mga kasamahan ko, tuwing may party din kasi ay talagang hindi ako umiinom kaya nakantiyawan ako ngayon.

Mabuti naman at hindi na nila ako tinanong ulit, tuwing may tanong sila na iniiwasan ko ay umiinom ako ng alak, hindi naman na nila itinatanong ulit dahil kinakantiyawan nalang nila ako.

" Chandria.." Tawag saakin ni Leandro, bumaling ako sa kaniya.

" Hmm?" Tanong ko.

" You're drinking too much." Kinuha niya ang aking baso at saka niya ito inilayo saakin.

" Stop drinking everyone." Pagpapatigil ni Leandro sa aming uminom, agad na natigil ang masayang pag uusap at tawanan dahil sa sinabi niya, agad na may mga guards na pumasok at kinuha lahat ng iniinom namin, mga baso, at bote ng mga alak ay kinuha na nila, natira nalang ay mga pagkain na paubos na din.

Bumusangot ako, at saka tinignan ang mga kasamahan kong hindi na nagsasalita dahil nandito si Leandro sa loob at umiiba nanaman ang aura.

" You're too mean, you told us na we should celebrate, and then you'll stop the party kaagad?" Tanong ko dito, agad na nagtawanan ang mga kasama ko sa loob kaya agad nangunot ang aking noo.

" Conyo ka na, Chandria. Lasing ka na." Malamig na sambit ni Leandro sa harapan ko.

Umiling ako.

" Hindi ako lasing, kakain pa ako, hindi ko pa natikman ang ibang pagkain dito, mamaya na." Pagtataboy ko kay Leandro at saka ako tatayo at kukuha ng mga pagkain sana, pero kinuha niya na ang kamay ko.

" You're drunk, Chandria. Oorderin nalang ang lahat ng mga iyan ulit kapag naroon ka na sa bahay ko para masolo mong kainin, uuwi ka muna." Binawi ko ang kamay ko sa kaniya.

" Hindi, dito ako kakain, Leandro, just relax-"

Tuluyan niyang hinila ang aking kamay palabas sa kwartong iyon, hindi naman nakaimik ang mga kasamahan ko doon, kaya naman hindi din lang ako nakabalik. Hawak hawak niya ang kamay ko, dahan dahan kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya ata ito dahil sumakay kami doon.

Sa sasakyan na ako inabutan ng antok ko.

" Argh, sabing hindi ako nalasing." Inis na sambit ko nang makabangon ako sa pamilyar na higaan galing sa pagkakatulog. Nagtali ako ng buhok ko, at saka ko inilibot ang aking mata sa kabuuan ng kwarto.

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon