Chapter 33

44 4 0
                                    

" Yes, haha, I think, this is it?"

Tumatawa sina Leandro at ang Prinsesa habang naguusap, nandito naman ako sa gilid at nakikinig sa usapan nila. Hindi ko ipinakikita ang reaksiyon ko dahil baka kung ano ang sabihin ng Prinsesa saakin.

" Yeah, you need to sign it here, not there. Ipapa print ko nalang ulit, wait a minute." Paalam niya sa Prinsesa, tumango naman ang Prinsesa at saka siya tumingin saakin.

" I'll wait for you, Leandro." Mahinahong saad niya.

Tumayo ako kung nasaan ako nakaupo, at saka ko hinintay na makalapit saakin si Leandro. Binuksan ko na ang printer, uulitin ko ang namali ng Prinsesa. Hindi makapag focus dahil nakatingin kay Leandro.

" Baby-"

" Baby your face." Masungit na bungad ko sa kaniya. He chuckled. Lumingon muna siya sa likuran namin kung saan kausap nang Prinsesa ang mga guwardiya niya, at saka niya niyakap ang beywang ko mula sa likuran ko.

Nakaharap kami sa printer.

" I'll do it if you're not okay. I'm sorry, I have to do this." Binuksan niya ang printer, at siya na mismo ang nagprint ng mga papeles na kailangang pirmahan ni Prinsesa Eleanor.

Tinitignan ko lang ang ginagawa niya, masama ang tingin ko habang nakatingin sa kaniya.

" I'm fine, I'm just worried that she might like you." Umiwas ako ng tingin sa sinabi ko.

" Baby, I like you. I love you, don't worry. This is all about work, hmm? I love you." Hinalikan niya ang aking leeg, napabalikwas ako sa ginawa niya, sakto at natapos na ang printing process, kaya naman kinuha niya ang papel na bagong labas mula sa printer.

Hinalikan niya ang gilid ng labi ko, bago siya umalis at bumalik sa harapan ng Prinsesa.

" Is she your new secretary?" Tanong ng Prinsesa kay Leandro.

" She's not my secretary." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Leandro, tinignan ko siya at pinanlakihan ko siya ng mga mata ko.

Tinignan ako ng Prinsesa, at saka siya ngumisi saakin.

" Then, who is she?" Tanong niya.

" She's my girlfriend. Chandria Marina Valderama." Pagpapakilala niya saakin, yumuko naman ako sa kaniya at saka ako ngumiti.

" I thought you're still single?" Natatawang tanong ng Prinsesa kay Leandro, tumawa naman si Leandro sa narinig.

" Wala akong sinabi na single ako, Prinsesa Eleanor." Matabang na sagot niya kay Prinsesa Eleanor.

Napatingin ako sa kanilang dalawa, nakasimangot na ngayon ang Prinsesa, si Leandro naman ay nakangiti sa harapan niya. Bakit niya naisipan na sabihin at aminin sa Prinsesa? Baka mamaya ay magalit iyan sa kaniya.

" Anyways, the meeting will start later. See you there. Bye." Tumayo na ang Prinsesa, bubuksan ko na sana ang pintuan pero hinila ako ni Leandro sa tabi niya at saka niya niyakap ang beywang ko, napalingon ang Prinsesa sa kamay ni Leandro na nasa mga beywang ko.

" Sure. We'll see you there." Napapailing ang Prinsesa habang naglalakad palabas ng opisina kasama ang mga guwardiya niya.

Bumuntong hininga si Leandro nang dalawa nalang kaming natira sa loob ng opisina niya. Iniikot niya ako sa harapan niya, at saka siya ngumiti saakin.

" Ayos na? Ipinakilala na kita sa kaniya?" Tanong niya saakin, napatitig muna ako sa kaniya bago ako nagkibit balikat.

" I don't know. Nakita mo ba ang reaksiyon niya nang sinabi mong girlfriend mo ako?" Tanong ko dito, nanliit naman ang mga mata niya sa sinabi ko.

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon