Chapter 51

35 2 0
                                    

" Makakauwi na po kayo, mag iingat po kayo."

Ilang buwan ang nakalipas, nang makalabas kami sa bahay ni Jacob dahil naayos na ang problema ng bansa. Tumutulong parin kami sa paglilikas ng mga tao, sa sobrang dami nila ay inabot na kami ng buwan na magpauwi sa kanila, may iba kasi sa kanila ay malalayo ang uuwian kaya kailangan pang ihatid, may iba naman na may sariling mga sasakyan.

" Maraming Salamat po at inilikas ninyo kami dito, baka napatay na kami kung hindi kami sumama sa inyo." Pagpapasalamat saakin ng mga tao bago sila umuwi. Naaalala pa pala nila ang mukha ko?

" Wala po iyon, masaya ako na ligtas na kayo, aalagaan po ninyo ang mga sarili ninyo at mag iingat po kayo pauwi." Ngiting saad ko sa harapan nila, nakakatuwang makita na makakabalik na sila sa mga bahay nila pagkatapos ng ilang buwan, hindi maalis sa labi nila ang ngiti, na dati ay takot at pangamba ang makikita.

Napabuntong hininga ako.

" Kaunti nalang sila, sa susunod na evacuation center na tayo pupunta mamaya." Anunsiyo saakin ni Maki, tumango ako.

" Mabuti naman, magpahinga ka muna, ako na ang bahala sa iba." Hinarap ko siya.

Umiling siya sa sinabi ko.

" Hindi, tayong dalawa ang bahala sa iba, tara na!" Masaya kaming nagpaalam ni Maki sa mga taong nandito, dala dala na nila ang mga gamit nila pauwi, ang mga bata naman ay nasisiyahan tuwing may ibinibigay ako sa kanila na candies pauwi, inayos ko din iyon, hindi madali ang naging pagi-stay nila dito, kaya pakunswelo ko na ang candies sa kanila pauwi.

Nasa labas si Jacob at siya ang tumitingin kung maayos ba silang nakakauwi at nakakasakay sa mga sasakyan na inupahan namin para may sasakyan ang iba sa kanila. Si Alaia ang nagchi check sa listahan kung sino na ang mga nakauwi na. Si Ariyana ang taga bigay ng mga inihanda naming pagkain para pabaon sa kanila pauwi sa mga bahay nila at candies para sa mga bata, si Alec naman ay chine check ang ilang evacuation center na wala pang nakakauwi, para doon kami susunod na pupunta. May kani kaniya kaming trabaho, hindi man alam ng mga tao sa palasyo na kumikilos kami, gumagalaw parin kami dahil alam kong kami lang naman ang gagawa nito.

" Jacob.." Tawag ko sa kaniya nang makalabas ako. Kaunti nalang ang nasa loob kaya lumabas muna ako para makita si Jacob.

Tumingin siya saakin.

" Hmm? Mainit dito, pumasok ka na doon." Ngumiti ako sa kaniya at saka siya inabutan ng towel at tubig na nasa water bottle ko, may ice iyon kaya malamig siya.

" Ibibigay ko lang ito, baka nauuhaw ka na. Kaunti nalang ang nasa loob kaya makakapag pahinga ka na mamaya." Hinawakan niya ang beywang ko, at saka siya sumilong muna para makapag usap kami.

Pawis na pawis ang noo niya at leeg niya dahil sa init, tapos naka uniform pa siya kaya mas lalong mainit sa katawan.

" Thank you for this. May aircon doon sa loob kaya bumalik ka na kaagad, baka mamaya ay mahilo ka dito dahil sa init. Papasok kami doon mamaya kapag naka alis na silang lahat." Tumango tango ako sa sinabi niya, at saka ako lumapit sa kaniya para halikan ang pisngi niya.

Ngumiti siya sa ginawa ko bago tanggalin ang kamay niya sa beywang ko.

" Sige. Babalik na ako." Paalam ko.

Nadatnan ko ang mga kasamahan ko na naguusap usap na, iilan nalang ang nasa loob kaya malinis at malawak nanaman silang tignan, napangiti ako, naubos na ang tao dito, kaya maisasara na itong center na ito. Lumapit ako sa mga kaibigan ko na naguusap usap na.

" Chandria, sama ka mamaya? May bukas na daw na bar, baka naman papayag si Jacob, hindi ba?" Bungad na tanong kaagad saakin ni Alaia, agad akong napahinto sa sinabi niya, aba at bar kaagad ang inuuna niyang puntahan kaysa sa mga magulang niya?

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon