Chapter 23

67 7 0
                                    

" Good Morning, baby.."

Bati saakin ni Leandro, nakakumot ako nang magising sa sofa, at nakatabi siya saakin, hindi naman kami magkatabing natulog kanina kaya bakit nasa tabi ko na siya?

" Si Maki-"

" Ako muna ang batiin mo, nandito na nga ako sa tabi mo e." Tunog nagtatampo ang boses niya sa harapan ko, tumingin ako sa mga mata niya, at saka ako nagsalita.

" Good Morning, Mr. President-"

" Not that." Aniya. Nagtaka naman ako.

" Good Morning, Mr. Saldua-"

" Not that."

" Good Morning, Leandro." Saad ko sa kaniya, ngumiti naman siya sa sinabi kong iyon.

Leandro lang naman pala e.

" Ang sarap naman ng umaga ko kung ikaw ang makikita ko sa pagdilat ng mata ko at babati saakin ng good morning." Halos mapamura ako sa isipan ko, ano bang trip niya? Parang sira.

Pero infairness, nakakakilig.

Ang bango at gwapo niya parin kahit bagong gising ha, bakit ganoon? Ang unfair.

" Tumayo ka na. Aasikasuhin ko na si Maki." Pinagtutulakan ko siya sa tabi ko, baka kasi nagugutom na si Maki, kaya naman gagawa na ako ng pagkain niya.

" Nakagawa na ng pagkain niya. Nandito na si Ariyana, look." Tinuro niya si Ariyana na nakasalikop ang braso at nakatingin saaming dalawa ni Mr. Saldua, agad akong napabangon at laglag ang panga akong tumingin sa kaniya.

Nakita niya kaming dalawa ni Mr. Saldua na magkatabi, at iyong pinag uusapan namin kanina.

Shit!

" Yes, I saw that, Chandria. But you know, it's fine with me naman. Get up, balik na kayo sa palasyo." Nakatulala ako sa harapan niya habang nakatingin kay Ariyan na naka poker face sa harapan ko.

Tumayo ako kaagad at tumakbo sa harapan ni Ariyana nang pumasok si Leandro sa banyo.

" Ariyana, it's not what you think-"

" Chandria, you are inlove with him, kita ko sa mga mata mo. Okay naman  kayo para saakin, kaya sige na, mag ayos ka na. Kailangan kayo sa palasyo." Kinindatan niya ako at siya siya ngumiti saakin.

Naiiling pa ako habang naglalakad at inaayos ang damit ko pampasok. Hindi ako makapaniwala na nakita kami ni Ariyana, at ayos lang daw sa kaniya.

Seryoso ba iyon?

" Chandria baby, doon na tayo kakain sa palasyo, nagpaluto na ako." Tumango ako sa sinabi niya. Nang makapag ayos na ay pumunta ako kay Maki na kakatapos lang mapakain ni Ariyana.

" Maki, aalis na kami, babalik ako mamayang gabi, ha?" Ngiting paalam ko sa kaniya. Tumingin siya kay Leandro na busy sa pag aayos ng kaniyang gamit at damit.

Ngumiti siya saakin at saka tumango.

" Salamat, Chandria. Mag iingat ka." Hinawakan ko ang kamay niya at saka ko hinalikan ang pisngi niya.

Tinapik ko na din si Ariyana at nagbeso na kaming dalawa.

" Aalis na kami." Paalam ko.

" Ingat!"

Hawak hawak ni Leandro ang kamay ko habang naglalakad kami palabas ng Ospital, dala dala niya ang mga gamit niya at ako naman ay ang mga damit ko.

" Dadaan ka ba sa bahay mo para mag ayos? Pwede naman tayo doon muna, tapos saka tayo babalik sa Palasyo." Ani Leandro sa tabi ko habang nasa byahe kami pabalik sa Palasyo, nilingon ko siya.

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon