Chapter 32

43 2 0
                                    

" What is this, Ms. Lazatin?"

Lumilingon lingon siya sa paligid namin habang iniaabot saakin ang isang USB. Agad akong nagtaka, bakit niya ako bibigyan ng USB?

" Ikaw nalang mismo ang manuod, lahat nang nariyan ay mga ginawang masama ni Saldua, bahala ka ng humusga kung ano iyan." Aalis na sana siya pero kinuha ko ang kaniyang braso, kaya natigil siya sa paglalakad.

" Paninira ba ito kay Leandro o-"

" Kung alam mong paninira, edi iyon ang paniwalaan mo, basta iyan ang nalalaman ko, aalis na ako." Binitawan niya ang kamay ko, at saka na siya tumakbo paalis sa opisina ni Leandro.

Itinago ko ang USB sa bag ko, hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya, kaya naman doon ko nalang sa bahay papanuorin, uuwi na din pala ang mga kasama ko sa bahay mamaya.

" Ano? Naayos na ba ang mga gamit mo, Maki?" Tawag ko sa kaniya.

" Oo, naayos na. Maayos naman na ako, kaya habang wala pa akong bagong amo ay uuwi muna ako kina Mama, nag aalala na kasi siya saakin." Paliwanag niya, agad naman akong nalungkot sa sinabi niya, uuwi siya ng Probinsiya, matatagalan nanaman siya bago siya babalik dito.

Naupo ako sa upuan ko, at saka ako sumandal doon.

" Magkita muna tayo bago ka aalis, ha? Maki, please.." Dinig ko ang tawa niya sa sinabi ko.

" Sige sige, itetext kita mamaya kung saan tayo magkikita."

Napabuntong hininga ako nang mapatay niya ang tawag. Aalis nanaman siya, noong nakaraan na umalis siya ay dalawang buwan siya bago nakabalik, hindi ko alam kung bakit natagalan siya ng ganoon. Maya maya pa ay nakaramdam ako nang papasok sa pintuan, kaya tumayo muna ako.

Si Leandro ang pumasok sa pintuan.

" Natagalan ako, may nakapasok na hindi kilalang sibilyan dito sa loob." Nanigas ako sa kinatatayuan ko sa sinabi niya, hindi man lang nila namukhaan si Ms. Lazatin?

Sasabihin ko ba?

" Mabuti at napa alis niyo naman na?" Kunwaring pagtatanong ko.

" Mabilis siyang nakatakbo, kaya hindi nila nasundan, titignan nalang ang mga CCTV-" Agad ko siyang nilapitan.

" Ako na muna ang bahala doon, sabihin mo na saka sila gagalaw kung iuutos ko na." Nangunot naman ang noo niya sa sinabi ko, napalunok ako.

Baka makita nila na nandito siya kanina sa opisina at nag usap kaming dalawa.

" Delikado-"

" I'll do it, please? I'll take care of myself, mamaya ko uumpisahan, sabihin mo pupunta ako mamaya doon, okay?" Nagthumbs up pa ako sa sinabi ko, tumango naman siya bago siya bumuntong hininga.

Lumapit siya saakin, napa atras naman ang aking mga paa. Kung totoo nga ang nasa USB, kailangan ko bang lumayo kay Leandro?

" You're so strange, sigurado ka bang ayos ka lang?" Kinapa niya ang aking noo at leeg, iniwas ko ang kamay ko, ngumiti nalang ako nang matapos.

" I'm fine. May susunod kang meeting, hindi ba? Pupunta muna ako doon sa CCTV room para macheck ko kung sino ang nakapasok dito." Magsasalita pa sana siya nang bigla akong umalis at dumiretso sa CCTV room.

" Ms. Valderama, uumpisahan na po ba-"

" Ako na ang papasok at titingin, hintayin niyo nalang ako dito sa labas." Utos ko. Yumuko at tumango naman sila saakin kaya alam kong pumapayag sila.

Binuksan ko ang pintuan at ini-lock ko ito nang makapasok ako sa loob. Isa isa kong tinignan ang footages, tinignan ko kung anong oras siya pumasok sa opisina ni Leandro. Kinuhanan ko ng litrato gamit ang telepono ko nang makita ang footage na nasa loob siya ng opisina ni Leandro.

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon