Chapter 31

47 2 0
                                    

" You have to rest, I'll sleep here for tonight."

Ani Leandro nang makarating kami sa bahay, tulog na ata ang mga kasama ko kaya wala ng sumalubong saakin pauwi.

" Umuwi ka na-"

" I can't just leave you like that, Chandria." Aniya. Hinarap ko siya, at saka ko siya tinitigan sa mga mata niya.

" I'm fine-"

" You're mad at me, aren't you? Let's talk about it tomorrow-"

" Umuwi ka na." Matigas na utos ko at saka ako naglakad papasok sa kwarto ko, ibinalibag ko ang pintuan ko nang makapasok ako sa loob.

Sumandal ako sa likod ng pintuan ko, napabuga ako ng hangin. Bigla kong naalala ang mga gumawa ng ganoong klaseng krimen sa Daddy ko, hinding hindi ko sila makakalimutan.

Hindi ako tinawagan o tinext man lang ni Leandro nang maka alis siya, hindi ko din naman hinintay dahil nakatulog na ako nang makalapag ako sa higaan ko, hindi ko nga alam kung makakapasok ako dahil nagalit ko siya at baka ayaw niya akong makita.

" Oh? Akala ko masakit ba ang ulo mo? Bakit papasok ka na?" Bungad na tanong saakin ni Ariyana nang makita niya akong nakabihis na at handa nang pumasok ngayong araw.

Ngumiti ako nang mapait sa kaniya at saka ko siya nilapitan.

" Wala akong choice. Wala namang ibang mag aasikaso, kaya kailangan kong pumasok." Sambit ko bago kinuha ang ham na nasa lamesa, kumain muna ako ng kaunti bago ako aalis.

Umupo si Ariyana sa harapan ko, pinanunuod niya akong kumain.

" Narinig ko na para kayong nag aaway kagabi? Anong nangyari sa meet up mo with his parents?" Naibalik ko sa plato ko ang kinakain kong bacon, ininom ko ang juice na katabi ng plato ko at saka na ako tumayo.

" Wala na akong gana kumain."

Umalis ako at nagdrive papunta sa palasyo, hindi ko alam kung bakit mabilis akong mabadtrip, pero susubukan kong pigilan para naman hindi ako makasakit ng dadamdamin ng ibang tao, lalo na ang mga kaibigan ko.

Nang makarating ako sa palasyo ay binati ako ng mga tao, ngumingiti lang ako sa kanila. Dire diretso akong naglakad papasok sa opisina ni Leandro, nadatnan ko siya doong tulog at nakaupo lang sa upuan niya.

" Wake up, Mr. Saldua, you have your meeting in ten minutes." Pumalakpak ako nang malakas para dinig niya ang sasabihin ko, nagising naman siya kaagad.

Kinuha ko ang notebook at ballpen ko at saka na ako naunang naglakad.

" See you in the meeting area."

Binuksan ko ang pintuan ng meeting area, ako palang ang tao dito, nagtimpla muna ako ng kape para magkalaman ang tiyan ko, dahil hindi ko naman naubos ang pagkain ko kanina.

" Good Morning, Chandria." Bati saakin ni Alec.

" Good Morning." Bati ko pabalik.

Naglagay na din ako ng kape ni Leandro sa lamesa niya para kapag dating niya mamaya ay medyo maligamgam na at mabilis nalang inumin. Nang makarating ang ibang kameeting niya ay nagsimula na kaagad sila.

" We are still looking for more evidences, Mr. Saldua." Napalingon ako kay Alec, magkatabi kami dito sa likod.

" Anong mayroon?" Takang tanong ko sa tabi niya.

" May patayan nanaman na naganap, this time, sa mantika naman, namamatay ang mga gumagamit ng mantika, hindi ko alam kung paano nangyari pero milyon milyon na ang patay." Paliwanag ni Alec, laglag ang panga ko sa sinabi niya.

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon