" You? He? What?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Alaia saakin habang inaayos ko ang higaan ni Maki sa bahay ko. Dito na muna siya, wala din palang space sa bahay nina Alaia at Ariyana kaya dito na muna siya sa bahay ko, kahit sina Alaia at Ariyana ay dito na muna titira, magkakasama kaming apat.
" He kissed me and hold my thighs, Alaia. Huwag kang maingay." Ingat na ingat kong saad sa kaniya dahil nasa likod lang namin si Leandro.
Kasama kasi namin siya, kaya naman ayaw kong marinig niya.
" Ikaw babae ka ha-"
" Chandria, baby.." Tawag saakin ni Leandro.
Nilingon ko siya at saka ako ngumiti sa kaniya.
" Wait lang po, saglit lang, Boss." Ani ko. Narinig kong ngumisi siya at tumawa saakin.
" Okay, I'll wait."
Inayos ko ang higaan at saka namin doon pinahiga si Maki, nakakatayo naman na siya at nakakalakad na siya, kaya lang ay kailangan niyang magpahinga muna. Dalawa ang unan niya at may unan pa siya sa magkabilang side para naman hindi siya masaktan kapag iikot at gagalaw siya. May kumot na din, at saka kumpleto na ang mga kailangan niya dito sa kwarto.
" Maki, kapag kailangan mo kami, tumawag ka lang ha? Hindi naman namin isasara ang pinto, pero kung gusto mong isara ang pintuan, pwede naman." Ani Alaia, tumango naman si Maki at saka siya ngumiti.
" Yeah. Thank you so much, guys." Ani Maki.
" Wala iyon, magpahinga ka. Magluluto muna kami sa ibaba." Paalam ko kay Maki, hinawakan ni Maki ang kamay ko at saka na niya ako tinitigan.
" Thank you so much, Chandria." Ngumiti ako.
" For you, Maki."
Bumaba kami ni Leandro para magluto, naiwan naman sina Alaia at Ariyana sa kwarto ni Maki para makipag kwentuhan at makipag daldalan sa kaniya. Mabuti na din iyon para may bantay siya.
" You know how to cook?" Tanong ni Leandro saakin. Lumingon ako sa kaniya.
" Iyon nga e, marunong ako, pero kaunting dishes lang, ikaw? May alam ka ba? Ikaw nalang magluto." Pangungumbinsi ko sa kaniya, tumingin naman siya saakin at saka siya nagpameywang sa harapan ko.
" Are you bossing me around, Chandria? You are my-"
" Wala ka sa palasyo, nasa bahay kita, kaya ako ang masusunod." Tinaasan ko siya ng kilay, at saka ako lumapit sa kaniya. Mayabang ko siyang tinignan, tumawa naman siya at tinaas ang mga kamay niya bago siya dahan dahang nagsuot ng apron.
" Okay, boss. Chill, I got you, here, magsuot ka ng apron." Kinuha ko ang isang apron na hawak niya at saka ko ito sinuot.
Siya na nga talaga ang nagluto, at saka naghiwa. Ako lang ang nanunuod, ano pang silbi na nagsuot ako ng apron kung hindi ako tutulong?
" Leandro, I can help you know? Nakatunganga ako dito." Busangot ko sa harapan niya. Hindi niya naman ako pinansin at naghihiwa parin siya ng lulutuin niya.
Agad akong lumusot sa pagitan niya at ng lamesa kung saan siya naghihiwa ng kaniyang mga gagamitin para sa pagluluto. Hinila ko ang kwelyo niya at saka ko siya tinitigan sa mga mata niya.
" Leandro, hindi mo ba ako patutulungin sa ginagawa mo?" Masungit na tanong ko sa kaniya, ngumisi siya saakin, at saka siya tumawa.
" Of course not, Chandria. Ikaw ang magluluto nito, tuturuan kita. Hinihiwa ko lang itong mga ito at baka masugat ka." Turo niya sa bawang at sibuyas na nasa likod ko, tinignan ko naman ang likod ko, matatapos naman na siya.
BINABASA MO ANG
The President's Killer Mind
RomansaChandria Marina Valderama is a Presidential Secretary of Mr. President Leandro Saldua. Isa siyang magaling na sekretarya. Siya na ata ang Sekretarya na hihilingin nang kungi sino. Ginagawa niya ang trabaho niya nang may puso, tiyaga, at pagmamahal...