Chapter 68

44 5 0
                                    

" Hello, I am Zephaniah Lazatin, the former Vice President of this country. Minsan kong minahal ang bansang ito, at pinagsilbihan ang taong bayan, pero dahil sa ibang motibo at masamang balak na itinulak din saakin at iniutos ng aking Ama na naging dating Presidente ng bansang ito, nakagawa ako ng krimen na hinding hindi ko pwedeng takasan sa mga awtoridad at sa mahal at butihing kasalukuyang Presidente ng bansang ito. Narito ako upang umamin at aminin sa inyo na ako ang may pakana ng sakunang naranasan nating lahat sa nakalipas na ilang buwan, ako ang dahilan kung bakit kayo naghirap, bawat isa sa inyo ay naghirap, maging ang buong bansa at kalikasan, ito ay dahil saakin. Tinraydor ko ang mabuting Ama ng bansang ito, naging ganid ako, at nagpakasilaw sa posisyon at kayamanan. Ginawa ko iyon upang patalsikin at patayin mismo ang Presidente, upang ako na ang tuluyang mamuno ng bansa kagaya ng gustong mangyari ng aking ama. Siguro para sa kaniya ay tama ang ginawa ko, dahil sumunod ako sa kaniya, sino ba ang may gustong sumuway sa mga magulang, hindi ba? Pero nagkamali ako, sinunod ko parin ang Ama ko kahit na alam kong mali at hindi ako nasa katuwiran. Sa aking mga taga suporta na dating nagtiwala sa akin at alam kong mawawala ang tiwala saakin habang naririnig ang paghingi ko ng tawad sa inyong lahat ngayon, humihingi ako ng patawad, sa mga nagawa ko, sa pamilya ko, sa buong mamamayan ng bansang ito, sa Diyos, at sa mahal na Presidente. Ako po ay humihingi ng tawad at nandito ako para pormal na sabihing binibitawan ko na ang aking posisyon bilang Vice President ng bansang ito. Muli, ako po si Zephaniah Lazatin, humihingi ng tawad sa lahat ng nasaktan ko, at sa lahat ng nagawa kong mali."

Hawak hawak ko ang kamay ni Leandro nang mahigpit. Hindi naman siya nagpapakita ng reaksiyon, nakatingin lang siya kay Ms. Lazatin na nasa harapan at pinagkukumpulan ng mga media. Pinusasan kaagad siya ng mga Pulis, at saka siya muling pinaharap sa mga media.

" Leandro, ayos ka lang?" Tanong ko kay Leandro na nakatayo. Nakatayo kaming lahat dahil magpupunta dito si Ms. Lazatin sa harapan naming lahat.

" I'm fine. Don't worry." Maikling sagot niya na tinanguan ko lang.

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon