Chapter 25

66 6 0
                                    

" Nakaalis na ba talaga si Ms. Lazatin sa pwesto niya?"

Hindi makapaniwalang tanong saakin ng mga kaibigan ko, nasa Ospital kami, kasama ko naman si Leandro.

" Oo, Maki, tinanggal na siya. Siya pala ang may pakana ng putukan noon, kaya naman pinatalsik siya sa pwesto. Iyong bagong papasok na Vice President, siya ang magiging bago mong amo." Paliwanag ko sa kaniya, tumango naman siya at saka siya ngumiti saakin.

" Nagulat ako, kaya pala noong araw na nagkakaputukan, wala siya, kasi siya pala ang may pakana niyon." Hindi makapaniwalang saad ni Maki sa harapan naming tatlo, sumingit naman kaagad si Leandro sa usapan.

" Wala ka bang ibang napansin kay Lazatin noong mga araw bago ang aksidente?" Tanong niya kay Maki, hinawakan ko naman ang kaniyang braso.

" Mayroon, Sir. Lagi siyang may kausap sa telepono, at parang may ibinibilin, kapag nga makikipag usap siya ay lalayo siya saakin at hindi naka speaker ang kaniyang cellphone." Tumingin ako kay Leandro, agad namang nag igting ang panga niya sa sinabi ni Maki.

Hinila ko siya paalis sa inuupuan namin.

" Leandro, kumalma ka..." Hinahagod ko ang kamay niya habang nakatingin sa mga mata niya.

" I am, Chandria."

" Maki, noong araw ba na may nagkakaputukan, sinubukan mong hanapin ang amo mo?" Tanong ko sa kaniya, tumango si Maki.

" Oo, hinanap ko, nag aalala nga ako na baka nakuha na siya, pero hindi ko siya mahanap, noong may tama na ako, saka ko siya nakita na lumabas sa  kung saan." Paliwanag niya. Tumango tango ako sa sinabi niya.

" Leandro, patunay na iyon na siya nga ang may kasalanan, kaya mabuti na din na napaalis mo siya. Anong susunod na gagawin mo?" Hinawakan niya ang beywang ko, at saka siya napatulala sa kung saan.

" I don't know. Hahanap ako ng ibang papalit sa kaniya, bago ako magiisip ng ihahatol sa kaniya na parusa." Hawak hawak ko ang kamay niya habang pinakakalma ko siya, hindi naman siya gaanong kagalit kagaya kahapon, kaya kaya ko naman siyang pakalmahin mag isa.

Hinintay lang namin ang sinabi ng Doktor at nag abot na si Leandro ng ipang babayad sa Doktor at sa Ospital, pwede naman na siyang umuwi, pinag iisipan pa nila kung sino at kaninong bahay uuwi si Maki pansamantala.

" Aalis na kami, Ariyana. Pwede naman siya sa bahay kung hindi kayo makapag decide. Tawagan niyo ako kung sa bahay siya iuuwi para malinisan ko ang ibang kwarto doon." Tumango siya, hinalikan ko ang pisngi niya at ni Alaia, bago kami umalis.

Nakatulog na si Maki.

" Sige. Tatawag kami, mamaya pa naman ang out ni Maki, ingat kayo pabalik, Mr. President." Kumaway sila kay Leandro, kinindatan naman nila akong dalawa at saka sila nag thumbs up saakin.

Umalis kami ni Leandro sa Ospital, binabati at pinagkakaguluhan pa nga siya sa labas habang naglalakad kami palabas ng Ospital, kaya lamang ay hindi niya nakakausap ang iba dahil sa buong paglalakad namin ay hawak niya ang beywang ko.

" Leandro, may meeting ka with Alec, iyong tungkol sa Vice Presidential aspirant. At saka iyong tulong sa mga nasugatan at namatay sa pagsabog, pipirmahan mo na kasi ipapadala ko na ngayon sa kanila ang tulong, kaya dapat matapos natin iyon ngayon." Habang nasa byahe ay kinakausap ko na ang mga tao sa palasyo na maghanda na.

" Omygosh." Hinawakan ko ang braso ni Leandro nang mapagtanto ko kung nasaan nga ba ang notebook ko.

" What is it?"

" I forgot my notebook, sa Ospital, balikan natin-"

" Ipatawag nalang at ihatid doon sa palasyo, nakalayo na tayo. Ako na ang uutos." Aniya at saka siya tumawag sa kaniyang telepono.

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon