Chapter 66

50 3 0
                                    

" We're not yet done, Ms. Secretary, you can come back later."

Nanindig ang balahibo ko sa lalaking nagsalita sa likod ko. Siya ang lalaking inakala kong si Leandro noon dahil pareho silang may peklat sa batok nila.

" But, Sir, his time is limited, I know you know that, we have to go." Ngiting sambit ko sa harapan niya. Agad siyang tumayo, kaya napaatras ako bigla. Ngumisi siya nang makita niyang napaatras ako.

Hinawakan ko ang kamay ni Leandro.

" I know, limitado ang oras niya kaya nandito ako para hindi na siya pahirapan pa." Nilabas niya ang baril na nasa likod niya, itinutok niya ito saamin, nagulat nga ako na hindi man lang nagpakita ng reaksiyon si Leandro, hindi siya natakot o ano man, maging ako ay nanatiling nakatingin lang sa kaniya kahit na may nakatutok na baril sa harapan namin.

Hindi din lang siya makakalabas dito sa loob dahil ini-lock kong muli ang pintuan mula sa labas, sina Jacob na ang magbubukas niyon maya maya dahil sinabi kong nasa loob kami ng meeting area kasama ang traydor.

" Is your Secretary an NBI agent? Or a detective, Mr. President?" Tanong ng lalaki kay Leandro, tumingin ako sa mga mata ng lalaki, kinakabisado ang mukha niya.

Naglakad ako palapit sa kaniya, mas lalo niyang itinutok ang baril saakin, at hindi na kay Leandro.

" Baby.." Dinig kong banta ni Leandro sa likod ko.

Napalunok ako.

" You are the traitor, Mr. Ikaw ang lalaking nagpanggap na si Leandro sa mga footages na ibinigay ni Ms. Lazatin saamin at ikaw din ang kasabwat niya." Nakangising paliwanag ko sa kaniya, tumawa siya sa sinabi ko, at saka siya naglakad palapit saakin.

Takot na takot ako pero kailangan kong ientertain ang lalaking ito hangga't hindi pa nakakarating sina Jacob dito.

" Nagaya ko ba siya ng maayos? Nakuha ko ba ang boses niya at galaw niya?" Kumuyom ang mga kamay ko sa tanong niya.

" Fuck you!" Sigaw ko sa kaniya at saka ko siya mas lalong nilapitan, agad na nahawakan niya ang aking braso at itinulak niya ako palayo sa kaniya, tumama ang ulo ko sa gilid ng mesa, nakaramdam ako ng hilo, hinawakan ko ang noo ko, may dugo iyon.

" Now, kung gayon na napaniwala ko ang Sekretarya mo, pwede naman siguro na ako na ang papalit sayo, hindi ba? Wala namang makaka alam kung mawawala ka nang biglaan, Mr. President." Kinuha ko ang telepono ko para tawagan si Jacob.

Sinagot niya ito kaagad.

" Nasa palasyo na kami-"

" Faster, please. I'm bleeding-"

" Fuck." Aniya at saka pinatay ang tawag. Nanatili akong nakaupo sa likod nilang dalawa habang naghahanap ng kung anong pwedeng maihahampas sa kaniya at umalis siya sa harapan ni Leandro.

Nakakaramdam pa ako ng hilo kaya dahan dahan at kumukuha ako ng lakas para makita ang emergency button na nasa silong ng mesa.

" Fuck this." Mura ko nang natutumba tumba akong maglakad.

" Nasaan si Lazatin-"

" Huwag ka ng magsalita." Pagpuputol sa kaniya ng lalaki. Hinampas ko ng malakas ang lamesa, kaya natuon saakin ang atensiyon nilang dalawa, nahanap ko na ang button.

" You-" Natigil siya nang umalingawngaw ang malakas na tunog sa buong kwarto, hanggang labas ng palasyo iyon maririnig kaya alam kong nariyan na at mabubuksan na ang pintuan para makuha ang lalaking ito.

3.

2.

1.

" Weapon's down!" Sigaw ng mga lalaking pumasok sa kwarto. Naglakad si Leandro palapit saakin, at kinuha ang beywang ko.

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon