Chapter 29

45 4 0
                                    

" Sabi ko sayo e, effective ang pang seseduce!"

Napahawak ako sa sentido ko sa sinabi ni Ariyana habang kausap ko siya sa harapan ko.

" Ariyana, hinaan mo ang boses mo, marinig ka ni Leandro." Kabadong utos ko sa kaniya, tinakpan niya naman kaagad ang kaniyang bibig.

Tinignan ni Ariyana si Leandro na nasa likod namin at tumutulong sa pag aasikaso ng mga kakainin namin kasama si Alaia.

" E ano ba naman kasi, akala ko magkakaroon na kayo ng baby." Gigil na saad niya habang nakatingin saakin, sinamaan ko naman siya ng tingin.

" Anong baby? Siraulo ka ba? Hindi pa pwede." Tinulak ko si Ariyana sa sinabi niya.

Napabalikwas ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang sigaw ni Leandro mula sa labas ng kusina.

" This can't be, don't you dare send it to me and my Secretary." Tumakbo ako palabas ng pintuan at saka ko tinignan si Leandro, nakahawak siya sa sentido niya at hindi mapakali sa kinatatayuan niya.

Hinawakan ko ang kaniyang braso, doon lang siya natigil at ibinaling niya ang tingin niya saakin.

" What's wrong?" Mahinahong tanong ko sa kaniya.

" Nothing, Chandria. I can fix this. You don't have to worry." Hinawakan niya ang mukha ko, at saka niya ako tinignan sa mga mata ko.

" Baka may problema, Leandro, tutulong ako sayo, nandito ako, hmm?" Ngumiti siya.

" I know, baby. Ako na ang bahala doon, huwag kang mag alala." Hinahaplos ko nang dahan dahan ang braso niya.

" Leandro, I'm worried. Kung may problema sabihin mo saakin, ha?" Tumango siya.

" Actually, we have to go shopping to buy you some stuff, my family is waiting for you." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

What does he mean?

Ngayon ba ang punta ko doon?

" Teka, anong ganap?"

" Today is Monday, naghanda sina Mama sa bahay, nandoon lahat ng angkan ko at hinahanap ka, kaya mamimili tayo ng damit mo."  Tinaasan ko siya ng kilay, at saka ko binawi ang kamay ko na hawak niya.

" May damit na ako sa-"

" No, baby, you have to be elegant and beautiful, so let's buy some new dresses for you." Kinuha ni Leandro ang bag ko na nakalagay sa lamesa, at saka niya ako hinintay na magpaalam kina Ariyana.

" Sige, galingan mo ha! Ingat ka, mwua! I love you!"

Pinaliligiran kami ng mga guards at Pulis, maging mga SWAT, nang makarating kami sa pagbibilhan namin ng damit ko at iba pang mga bagay na kailangan ko.

" Baby-"

" Leandro, call me Chandria kapag nasa public." Banta ko sa kaniya, nangunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami.

" Why? You're shy?" Ngumiti ako sa sinabi niya bago ko hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya at saka ako tumango.

" Yeah, baka marinig tayo." He chuckled.

Binuksan niya ang pintuan ng shop na papasukin namin, agad siyang binati ng mga tao dito sa loob. Mukhang kilala nila si Leandro dahil nagtatawanan at hindi ako nakakaramdam ng tensiyon sa usapan nila.

" This is Chandria Marina Valderama-Saldua, everyone. Sukatan niyo siya at hanapan niyo ako ng dress na babagay sa kaniya for dinner night. I want it black." Nanlalaki ang mata nila sa sinabi ni Leandro sa harapan nila.

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon