" Salamat, Chandria sa pagpapatuloy mo saamin, nakakahiya naman na kaya aalis na din kami."
Paalam saakin ng mga kaibigan ko habang hawak hawak ang kanilang mga bagahe, bumusangot ako sa harapan nila. Wala na akong mga kasamang makukulit dito sa bahay ko.
" Basta babalik kayo at kung minsan dito kayo matutulog, ha?" Pangungumbinsi ko sa kanila, tumawa sila bago tumango sa sinabi ko.
" Oo naman, parang ano ito e, araw araw tayong magkikita sa palasyo, kaya hindi mo naman kami mamimiss." Kusilap na sambit ni Ariyana at saka niya ako niyakap, sumama naman si Alaia sa yakapan naming dalawa.
Oo nga naman, magkikita kami sa palasyo araw araw.
" Syempre nag aalala ako sa inyo dahil mag isa din kayo sa mga bahay niyo, pero panatag naman din kasi may mga guwardiya na kayong kasama." Tinignan ko ang mga guwardiya at Pulisya sa likod nila, dahil nga officials at may posisyon na sila sa palasyo, may mga bantay na silang lahat.
Senators na silang lahat, kaya naman may mga nakabantay na sa kanila.
" O siya, aalis na kami, babalik kaagad sa palasyo dahil may gagawin ka doon, hindi ba?" Dinuro duro pa ako ni Alaia habang nangungunot ang noo.
Tumango ako.
" Yeah. Aasikasuhin ko ang bagong sekretarya ni Leandro, sige, sabay sabay na tayong umalis."
Sumakay na sila sa kani- kaniya nilang mga sasakyan pagkatapos naming magyakapan, at saka na din ako sumakay sa sasakyan ng palasyo, agad na sumunod saakin ang mga guwardiya na ipinabantay saakin ni Leandro.
" Good Morning, First Lady." Yumuko saakin ang bagong lalaking Sekretarya ni Leandro, napangiti naman ako at saka ko inilahad ang kamay ko.
Gulat na gulat naman siya at saka niya ito malugod na tinanggap.
" Good Morning, Mr. Fabio. You are the former secretary of the late late President Saldua as well, right? Ang Papa ni Leandro?" Tanong ko dito, tumango naman siya saakin.
" Yes, Ma'am. Here's my records and my experiences as their former secretary." Inilahad niya saakin ang isang folder na kaagad kong inilayo at ibinalik sa kaniya.
If he is the former secretary of the late late President Saldua for over a decade, then I trust him.
" I trust you, Mr. Fabio, so you are hired. Hindi ka tatagal kay Papa nang ganoon katagal kung hindi ka magaling na Sekretarya, hindi ba?" Yes, I met Leandro's Dad, pero sa libingan niya na, ipinakilala niya ako sa Papa niya, at nagpakilala naman ako, alam kong tanggap niya ako para sa anak niya.
" Thank you so much, Ma'am. Gagalingan ko po para magawa ko nang maayos ang aking trabaho." Ngumiti ako.
Kaagad na pinagsimula namin siyang magtrabaho, tumigil na ako sa pagiging Sekretarya, iyong lamesa at opisina ko katabi ng lamesa ni Leandro tinanggal na namin, pinalitan na namin lahat ng bagong mga lamesa at mga gamit, may nakalagay nang First Lady Chandria Marina Valderama-Saldua sa aking lamesa ngayon.
" Baby.." Tawag saakin ni Leandro nang makitang busy akong ayusin ang aming kwarto.
Nilingon ko siya.
" Yes?" Sagot ko.
Inayos ko ang kaniyang necktie nang makalapit siya saakin, napapikit ako nang halikan niya ang aking noo.
" Maghanda ka na din, sasama ka saakin ngayon." Bumusangot ako sa sinabi niya, at saka ko siya tinignan sa mga mata niya.
" Matatagalan pa ako, mauna ka na sa opisina mo, susunod na ako doon, ayos ba?" Nag thumbs up pa ako sa harapan niya, ngumiti siya sa akin at saka hinalikan ang aking leeg, napadaing ako sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
The President's Killer Mind
RomanceChandria Marina Valderama is a Presidential Secretary of Mr. President Leandro Saldua. Isa siyang magaling na sekretarya. Siya na ata ang Sekretarya na hihilingin nang kungi sino. Ginagawa niya ang trabaho niya nang may puso, tiyaga, at pagmamahal...