Chapter 69

45 5 0
                                    

" I am Leandro Saldua. The President of the Philippines. I am here to announce something big. Hindi ako nandito sa harapan ninyo para mag anunsiyo nang mga balita at kung ano ano pa. Narito ako para ipakilala ang babaeng mahal ko, na gusto kong galangin niyo, at tanggapin niyo nang buong puso kagaya nang ginawa ninyo saakin. Nandito ako para ipakilala, ang babaeng tumulong saakin na mahalin siya at ang babaeng sinamahan ako sa lahat ng mahahalagang oras na nangyayari sa buhay ko. Siya ang babaeng nangako saakin kamakailan lang na sasamahan akong tumanda at mag aalaga ng mga anak namin. I am here infront of you all to introduce, our first lady, my first lady, my beautiful first lady, Chandria Marina Valderama."

Ngumiti ako kay Leandro bago ngumiti sa buong media na nasa harapan namin. Panay ang flash nila ng aming litrato, kuha sila nang kuha ng litrato namin ni Leandro.

" I am Chandria Marina Valderama. Nagtataka kayo, " Siya ang dating Sekretarya ng Presidente, hindi ba?" " Siya ang Sekretarya" At kung ano ano pa. Yes, I am his former Secretary. Pero pinatunayan saakin ni Leandro na kahit anong estado mo sa buhay, may karapatan kang magmahal at piliin ang taong mahal mo. Minsan akong nagsilbi kay Leandro bilang sekretarya niya, at masasabi kong masaya ako na nagawa ko nang maayos ang trabaho ko sa loob nang mahigit na apat na taon. Maayos ang trato saakin ni Leandro, mas lalo na sa mga iba pa niyang tauhan niya, kaya isa din iyon sa nakita kong dahilan kung bakit mahal na mahal ko siya ngayon. Minahal ko si Leandro hindi dahil Presidente siya, na makapangyarihan siya o kahit ano pa iyan. Minahal ko siya dahil siya si Leandro, nakita ko iyong totoong siya na hindi niyo nakikita. Nakita ko kung paano siya mag alaga, magmahal at mag alala para saakin, nakita ko na siya sa madilim na oras ng buhay niya kaya nangako akong hindi na ako aalis sa tabi niya at sasamahan ko siya hanggang sa tumanda kaming dalawa, sasamahan ko siya sa bawat termino niya. Nandito po ako para magpasalamat sa inyong lahat, sa walang sawang suporta kay Leandro. Salamat sa pagmamahal ninyo sa kaniya at salamat dahil tatanggapin ninyo ako bilang magiging kasama ni Leandro sa pagpapaganda at pag aayos ng bansang ito. Again, I am Chandria Marina Valderama-Saldua, your Beautiful First Lady." Tumawa ako sa panghuling sinabi ko,  tumingin ako kay Leandro at saka ko hinawakan ang kamay niya.

Nakangiti kaming dalawa habang nakatingin sa mga media na walang sawang kinukuhanan kami ng litratong dalawa, halos mangalay na nga ang panga ko kakangiti, ang hirap pala kapag ikaw ang center of attention, ano? Nakakapressure pala.

" Ma, si Tita Clarrisze po, Mama ni Leandro." Pagpapakilala ko kay Mama at Tita Clarrisze. Ngumiti naman si Mama sa kaniya.

" Hello, I'm Suzeth Marianna Valderama." Yes, Marianna si Mama, ako naman Marina.

Astig ba?

" Nice to see you, Suzeth, halika at magusap tayong dalawa sa opisina ni Leandro." Kinindatan ako ni Tita Clarrisze, napangiti naman ako, hinayaan na muna namin sila na magusap sa opisina daw ni Leandro.

Halos buong tauhan ni Leandro ay naririto sa Palasyo, kaya maingay at maraming pagkain. Nandito silang lahat, maging ang buong angkan ni Leandro. Masaya ako dahil tanggap na tanggap nila ako para kay Leandro, nagpasalamat ako sa kanila dahil inabutan din nila ako kanina ng mga regalo, halos ata lahat sila may iniabot saakin, nahiya pa nga ako dahil wala akong napaghandaang regalo na iaabot din sa kanila.

" Parang tanga ito si Ariyana, umiiyak kanina habang nagi-speech ka sa harapan ng media, hindi na nahiya." Inis na inis na kwento ni Alaia habang nakasandal sa kaniya si Ariyana na hindi man lang kumakain.

" Syempre, masaya ako para sa kaniya, alam mo naman na ship ko sila noon ni Jacob, tapos end game niya si Leandro." Tumawa ako. Naglakad ako at lumapit sa kanilang dalawa, pumagitna ako at saka ko sila niyakap na dalawa.

" Salamat kasi tinanggap niyo akong dalawa na maging kaibigan niyo, salamat kasi sinusuportahan niyo ako at hindi niyo ako pinababayaan. Masaya ako na ako ang unang nakakilala sa inyo sa loob ng palasyo." Yumakap silang dalawa saakin, halos maiyak ako sa harapan nila, pero pinipigilan ko ang aking sarili.

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon