" Na track niyo na ba?"
Tanong ni Jacob sa mga kasama ko, agad naman silang tumango. Ngumiti ako kay Jacob.
" Naayos na, naipadala na namin ang locations sa mga Pulisya na na-assign doon sa mga lugar na iyon, Jacob." Balita ni Maki kay Jacob na nakaharap din sa laptop niya, lahat kaming pito ay nakaharap sa mga laptop namin at hawak hawak ang mga telepono namin, tumutulong kaming mapuksa ang delubyo na ito.
Nagtaas ng kamay si Ariyana.
" Naipadala ko na din sa mga air forces, maghihintay nalang ako na sabihin nilang natanggap na nila." Ngumiti ako sa sinabi ni Ariyana.
Determinado talaga silang matapos ito, maaga nga kaming nagising na pito, sabay sabay pa kaming nagluto ng almusal namin kanina.
" Wala naman akong natatanggap na death records ngayong araw, mukhang tahimik ang mga robots." Ani Alaia.
Natulala ako, ano kaya ang sinasabi ni Maki tungkol kay Leandro na napamura pa siya. Hindi nila sinabi saakin, wala din naman akong balak itanong, pero kung sasabihin nila, mas maganda parin dahil hindi ako mag ooverthink ng ganito para kay Leandro, kamusta na kaya siya?
" Natanggap niyo na? Maayos iyan, balitaan niyo kami." Natauhan ako nang marinig ko si Jacob na may kausap sa telepono niya.
Naka uniporme siya sa pang ibaba pero naka white tshirt nalang siya sa pang itaas, nakasabit naman ang kaniyang uniporme sa isang gilid para kung sakaling kailangan siya sa opisina nila, kukunin niya nalang doon.
" Ano daw balita?" Tanong ko sa kaniya.
" Natanggap na daw nila ang mga sinend ninyong location, babalitaan nalang daw nila tayo kapag nakapatumba na daw nila ang mga robot." Ngumiti ako, tumingin ako sa death records na gumagalaw kapag may namataang namatay, pero wala paring gumagalaw sa rates at graphs ko, kaya panatag ang loob ko.
Sina Ariyana at Alaia ay nakita kong kumakain na ng chips habang nakatitig sa kanilang mga laptops.
" Maki, are you fine?" Masama ang tingin niya kay Jacob, agad siyang umalis sa harapan ko, kaya sinundan ko siya.
Dinala ako ng mga paa ko sa likod ng bahay ni Jacob, sa pool area.
" Maki! Bakit ba ganiyan ka? Kahapon ka pa e." Galit na tanong ko sa kaniya. Hindi siya humaharap saakin, nakapameywang siya sa harapan ko, at saka ko naririnig ang mahihinang mura niya.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko.
" Chandria, bumalik ka na doon-"
" Hindi ka maayos, Maki, kausapin mo ako-"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang hinigit niya ang aking beywang at saka niya hinalikan ang mga labi ko, ginagalaw niya ang labi niya saakin pero hindi ako sumasagot dahil sa gulat sa ginawa niya. Nakapikit siya habang hinahalikan ang labi ko.
" Nagseselos ako, Chandria." Aniya nang ihiwalay ang labi niya saakin.
Hinawakan ko ang braso ni Maki nang mawalan ako ng balanse dahil sa ginawa niya. Hawak hawak niya parin ang aking beywang.
" Maki.."
" Alam kong wala sa oras ito, pero damn, nagseselos ako, Chandria. Selos na selos na ako sa inyong dalawa ni Jacob." Sinabunutan niya ang sarili niya at saka siya tumalikod saakin.
Napalunok ako bago sundan si Maki.
" Maki, sa mga susunod na araw na muna natin pag usapan ito, ha? Bati na muna tayo, please?" Niyakap ko siya mula sa likuran niya. Hinawakan niya ang aking mga kamay at dahan dahang hinagod iyon.
BINABASA MO ANG
The President's Killer Mind
RomanceChandria Marina Valderama is a Presidential Secretary of Mr. President Leandro Saldua. Isa siyang magaling na sekretarya. Siya na ata ang Sekretarya na hihilingin nang kungi sino. Ginagawa niya ang trabaho niya nang may puso, tiyaga, at pagmamahal...