" Ano?!"
Hindi makapaniwalang tanong saakin ng mga kaibigan ko nang dumating sila dito sa bahay ni Jacob, umiinom na din ako. Pinasunod ko sila dito pero hindi ko alam kung babalik pa ba sila sa bahay ni Leandro kapag nalaman nila ang sasabihin ko sa kanila.
" Is that true, Chandria? Are you sure?" Tanong saakin ni Alaia, dahan dahan akong tumango at saka nilagok ang alak na nasa baso ko.
Napasandal si Ariyana at Maki nang padabog sa kanilang mga upuan, at saka nila ako tinignan, naaawa sila saakin, pati din naman ako, naaawa sa sarili ko, kinakampihan at tinutulungan ko ang taong hindi dapat.
" Nakumpirma ko dahil may peklat ang lalaking nasa video sa batok niya, may ganoon din si Leandro." Nakatulala kong kwento sa kanila, umiiling iling si Ariyana sa sinabi ko, si Alaia naman ay nakangisi at hindi makapaniwala sa sinabi ko.
" Kailan mo pa nalaman? Sinong nagsabi? Si Jacob ba?" Tumango ako.
" Oo, sinabi niya saakin kahapon, kaya nawala ako, hindi muna ako bumalik sa bahay na iyon dahil nag isip kami ni Jacob ng magandang gagawin namin para matapos itong pesteng problema na ito." Muli kong ininom ang alak na nasa baso ko, puno iyon pero agad kong nilagok at tuloy tuloy kong nainom hanggang sa maubos ko ito.
Hinawakan ni Maki ang kamay ko nang muli akong magsasalin ng alak sa baso ko.
" Paano na ngayon? Anong plano?" Tanong ni Alaia saakin.
May ibinigay akong papel sa kanila na nakalagay pa sa brown envelope, at saka ko sila hinayaan na pag aralan ang plano na iyon.
" Iyan ang gagawin natin, sinabi ko na sasama kayong tapusin ito, kaya naman ipapakita ko sa inyo iyan, nasa sainyo kung babalik kayo sa bahay ni Leandro o hindi na." Naka focus sila sa papel na ibinigay ko sa kanila, nagkumpulan sila at pinag aralan ang plano na nakalagay at nakasulat doon.
" Hindi na kami babalik doon, hindi na din kami magpaparamdam sa kanila, sinaktan ka nila kaya hindi na kami babalik doon, ano pang saysay, hindi ba?" Ngumiti ako sa sinabi ni Ariyana.
" Nandiyan na lahat ng lugar kung nasaan ang mga robot, tayo na mismo ang gagalaw at magpapatigil sa mga iyan, kapag natapos at nagtagumpay tayong patigilin ang mga robots, ligtas na ang buong bansa, kaunti nalang ang poproblemahin natin." Mukhang naiintindihan naman nila ang sinasabi ko, dahil tumatango sila at saka nila itinuturo ang mga nasa papel at pinag aaralan ng mabuti.
Uminom akong muli, maya maya pa ay nakita ko si Alec na naglalakad at may mga dalang gamit.
" Chandria, nandito na ang mga gamit ng mga kaibigan mo, at ako din, pati ang sayo." Nakangiti siya habang hawak ang mga gamit namin.
" Dito ka na din?" Tanong ko.
Tumango siya.
" Ayaw mo ba?" Tumawa sila sa tanong ni Alec.
" You're welcome, Alec." Ani ko, at saka lumagok muli ng alak, tinigil ko lang ang paginom nang makaramdam ako ng pagkahilo.
Nakita ko si Jacob na naglalakad palapit saamin, naka uniform parin siya.
" Chandria, you have to rest, tama na ang inom." Ani Jacob sa harapan ko, tatayo na sana ako para pumasok na sa bahay ngunit agad akong nahilo at nawalan ng balanse, agad na hinawakan ni Jacob ang beywang ko, at saka niya ako inalalayan na makatayo nang maayos.
Hinawakan ko ang kaniyang mga braso bilang suporta.
" Saan ka matutulog kung doon nanaman ako sa kwarto mo?" Wala sa sariling tanong ko sa kaniya.
" I can sleep at the couch, you know." Biro niya saakin, ngumiti ako sa kaniya.
Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na tatanggalin ko muna ang pagkalasing ko, bago ako babalik sa kanila at sasabay na kakain sa kanila sa ibaba. Dito na sila matutulog, sama sama na kami dito, tatlo silang lalaki, tatlo din kaming babae, ang ganda ng squad namin.
BINABASA MO ANG
The President's Killer Mind
RomanceChandria Marina Valderama is a Presidential Secretary of Mr. President Leandro Saldua. Isa siyang magaling na sekretarya. Siya na ata ang Sekretarya na hihilingin nang kungi sino. Ginagawa niya ang trabaho niya nang may puso, tiyaga, at pagmamahal...