Chapter 11

86 12 0
                                    

" Please welcome, Mr. President Leandro Saldua!"

Nagpalakpakan ang mga tao nang naglakad si Mr. Saldua sa stage, naiwan lang ako dito sa gilid ng stage, hindi naman ako pwedeng tumaas doon, tataas ako kung tatawagin ako.

" I am sorry, first of all, for being inactive from the medias. Kung inaakala ninyo na wala akong pakialam sa bayan, nagkakamali po kayo. Sa nakaraang araw na wala ako, ako po ay nakikipag usap sa mga tauhan ko tungkol sa nangyayari saating bansa. At ngayon, nandito po ako para magsalita at magpaalala sa inyo tungkol sa nangyayari sa bansang ito." Walang nagtangkang magsalita kahit na mismo pumalakpak ay wala.

Sunod sunod na tumunog ang camera nila, iyon lang ang naririnig dito.

" Ang mga namatayan na pamilya mula sa tinitignang klase ng pagkamatay nila na nagmumula sa mga gripo, ay magkakaroon ng tulong at kaunting benipisyo mula sa mga pamahalaan. Magbibigay po kami ng tulong at mag aabot kami ng tulong sa mga naapektuhan ng hindi mawari waring krimen na ito." Nagpalakpakan na ang mga tao sa pagkakataon na iyon.

Napatango ako, well, maganda iyan, makakatulong siya sa mga biktima niya mismo.

Kung siya nga talaga ang gumagawa niyon.

" Huwag po kayong mag alala, gumagawa po ako ng paraan, pinaiimbestigahan ko po ang mga nagaganap saating bansa. Pansamantala din po munang pinatay ang mga daluyan ng tubig, kaya sa ngayon ay mineral water muna ang iinumin ninyo, kung wala pong supply ng mineral water sa inyong lugar, malugod po akong magbibigay at magpapahatid sa inyong lugar." Hindi ako nagpakita ng reaksiyon sa sinabi niya, wala dito si Ms. Lazatin, mabuti nalang.

Wala din si Maki, si Alaia ang namataan ng mata ko, at saka si Ariyana, nag ngitian kami kanina, malayo sila saakin, nandito ako sa gilid ng stage tapos sila ay nandoon sa likod ng mga media.

" Sa susunod na magpapatawag po ako ng press conference ay may ibabalita po ako sa inyo. Sana po ay mahintay at subaybayan niyo po ang iaanunsiyo ko tungkol doon. Paalala lang po, huwag kayong iinom ng tubig mula sa gripo, sa mga bayan na hindi pa tuluyang napatay ang daluyan ng tubig, huwag po kayong iinom doon. Mag iingat po tayong lahat." Agad akong tumaas sa stage para abutan siya ng tubig niya.

Hindi niya ako nilingon at saka siya nagsimulang magsalita muli.

" Mr. President, ano po ang masasabi niyo sa taong gumagawa nito sa bansa natin?" Tanong ng isang babae kay Mr. Saldua.

" Hindi ako titigil na mahanap siya at mahuli. Hindi ako papayag na basta basta na lamang may pumatay sa aking mga mamamayan, gagawin ko ang nararapat para sa bansang ito." Sagot niya.

Nagtaas ng kamay ang isa pang reporter, tumango siya at sinenyasan siyang magsalita na.

" Mr. President, kung mahanap at malaman na po kung anong klaseng gamot o lason ang nailagay sa mga tubig, ano po ang gagawin ninyo? Ano ano po ang mga hakbang ninyo?" Tanong niya.

" Ipapalinis at babaguhin ko lahat ng daluyan ng tubig para maalis ang kemikal na naihalo sa mga tubig na naiinom mula sa mga gripo. Hahanap din ako sa ngayon ng mga lugar na pwedeng alternatibong pagkukuhanan ng mga tubig ng mga mamamayan natin." Tumango sila sa sinabi ni Mr. Saldua.

Nang matapos ang press ay panay kuha nalang sila ng litrato ni Mr. Saldua. Naghihintay nalang kami kasama ng mga guards niya na aalis na at babalik na sa Palasyo. Hawak ko ang schedule niya, may meeting siya mamaya. Tapos pipirma siya ng ibang mga papeles. Nananakit na din ang paa ko.

" Mr. Saldua, we have to go." Aya ko sa kaniya, umakyat na ako sa stage para masabi ko sa kaniya iyon. Tumango siya saakin.

Napalunok ako nang hawakan niya ang aking beywang at saka kami sabay na bumaba ng stage.

The President's Killer MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon